Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #46 Translated in Filipino

الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ
(Sila ang) nananatiling matiisin (sa mundong ito dahil sa Kapakanan ni Allah), at nag-aalay ng kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon (kay Allah lamang)
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۚ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
At hindi Kami nagsugo (bilang Aming mga Tagapagbalita) nang una pa sa iyo (o Muhammad) ng iba pa maliban na mga tao, na Aming binigyang inspirasyon, (upang mangaral at mag-anyaya sa sangkatauhan na manampalataya sa Kaisahan ni Allah). Kaya’t tanungin sila na nakakaalam ng Kasulatan (mga pantas ng Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), kung hindi ninyo nalalaman
بِالْبَيِّنَاتِ وَالزُّبُرِ ۗ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الذِّكْرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيْهِمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ
Ng mga maliliwanag na Tanda at Aklat (na Aming ipinadala sa mga Tagapagbalita). At ipinanaog din Namin sa iyo (O Muhammad) ang Paala-ala at Patnubay (ang Qur’an), upang iyong maipaliwanag nang mahusay sa mga tao kung ano ang ipinahayag sa kanila, upang sila ay magbigay ng pagmumuni-muni
أَفَأَمِنَ الَّذِينَ مَكَرُوا السَّيِّئَاتِ أَنْ يَخْسِفَ اللَّهُ بِهِمُ الْأَرْضَ أَوْ يَأْتِيَهُمُ الْعَذَابُ مِنْ حَيْثُ لَا يَشْعُرُونَ
Sila baga na nagsasagawa ng masamang balakin ay nakadarama ng pagiging ligtas kung si Allah ay magbabaon sa kanila (sa ilalim) ng lupa, o kung ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila mula sa mga sulok na hindi nila napag- aakala
أَوْ يَأْخُذَهُمْ فِي تَقَلُّبِهِمْ فَمَا هُمْ بِمُعْجِزِينَ
O kaya’y Kanyang hulihin sila sa gitna ng kanilang pagpaparoo’t parito (sa kanilang mga gawain), upang hindi sila magkaroon ng matatakasan (sa kaparusahan ni Allah)

Choose other languages: