Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #128 Translated in Filipino

ادْعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِالْحِكْمَةِ وَالْمَوْعِظَةِ الْحَسَنَةِ ۖ وَجَادِلْهُمْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ ۖ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ
Anyayahan mo (o Muhammad, ang sangkatauhan) sa Landas ng iyong Panginoon (alalaong baga, sa Islam), ng may karunungan (alalaong baga, ang Banal na Inspirasyon at ang Qur’an), at makatwirang pangangaral, at makipagtalo ka sa kanila sa paraan na higit na mainam. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang higit na nakakabatid kung sino ang napaligaw sa Kanyang Landas, at Siya ang Ganap na Nakakaalam kung sino ang mga napapatnubayan
وَإِنْ عَاقَبْتُمْ فَعَاقِبُوا بِمِثْلِ مَا عُوقِبْتُمْ بِهِ ۖ وَلَئِنْ صَبَرْتُمْ لَهُوَ خَيْرٌ لِلصَّابِرِينَ
At kung inyong parusahan (ang inyong kaaway, o kayo na sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah), kung gayon, inyong parusahan sila nang katumbas ng kanilang ginawa sa inyo. Datapuwa’t kung kayo ay magbata ng may pagtitiyaga, katotohanan, ito ay higit na mainam sa mga matitiyaga
وَاصْبِرْ وَمَا صَبْرُكَ إِلَّا بِاللَّهِ ۚ وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُ فِي ضَيْقٍ مِمَّا يَمْكُرُونَ
At ikaw (o Muhammad) ay maging matimtiman sa pagtitiyaga, ang iyong pagtitiyaga ay hindi galing (sa iba), bagkus ay tanging mula kay Allah. At huwag kang manimdim sa kanila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mga pagano, atbp.), at huwag kang magkaroon ng lumbay dahilan sa kanilang binabalak
إِنَّ اللَّهَ مَعَ الَّذِينَ اتَّقَوْا وَالَّذِينَ هُمْ مُحْسِنُونَ
Katotohanan, si Allah ay nasa panig ng mga nangangamba sa Kanya (nagpapanatili ng kanilang tungkulin sa Kanya), at ng Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan para lamang kay Allah na walang pagpaparangalan upang makapagtamo lamang ng papuri, pakinabang o katanyagan at gumagawa ng mga ito ng ayon sa Sunna [legal na paraan] ng Tagapagbalita ni Allah na si Muhammad

Choose other languages: