Surah An-Nahl Ayahs #123 Translated in Filipino
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُوا السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At katotohanan! Ang iyong Panginoon, - sa mga gumagawa ng kasamaan (mga nagugumon sa kasalanan at palasuway kay Allah) sa kawalan ng kaalaman, at matapos ay nagtika at gumawa ng mga kabutihan, katotohanan, ang iyong Panginoon, makaraan (ang gayong bagay), ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
إِنَّ إِبْرَاهِيمَ كَانَ أُمَّةً قَانِتًا لِلَّهِ حَنِيفًا وَلَمْ يَكُ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Katotohanan, si Abraham ay isang Ummah (isang pinuno na may taglay ng lahat ng mabubuting katangian, o isang bansa [pamayanan]), masunurin kay Allah, isang Hanifan (alalaong baga, sumasamba lamang kay Allah), at siya ay hindi isa sa mga kabilang sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, at mga nag-aakibat ng mga katambal sa Kanya)
شَاكِرًا لِأَنْعُمِهِ ۚ اجْتَبَاهُ وَهَدَاهُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
(Siya, si Abraham) ay may pasasalamat sa Kanyang mga Biyaya. Kanyang (Allah) pinili siya (bilang isang matalik na kaibigan) at Kanyang pinatnubayan siya sa Matuwid na Landas (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam, at hindi sa Hudaismo o Kristiyanismo)
وَآتَيْنَاهُ فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ
At Aming pinagkalooban siya ng mabuti sa mundong ito, at sa Kabilang Buhay, siya ay mapapabilang sa mga matutuwid
ثُمَّ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ أَنِ اتَّبِعْ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
At ikaw (o Muhammad) ay binigyang inspirasyon Namin na (nagsasaysay): “Sundin mo ang pananampalataya ni Abraham na Hanifan (ang Islam at Kaisahan ni Allah, na siya ay tanging sumasamba lamang kay Allah, at hindi siya kabilang sa Mushrikun [alalaong baga, mga pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
