Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #122 Translated in Filipino

وَعَلَى الَّذِينَ هَادُوا حَرَّمْنَا مَا قَصَصْنَا عَلَيْكَ مِنْ قَبْلُ ۖ وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
At sa kanila na mga Hudyo, Aming ipinagbawal ang gayong mga bagay na Aming binanggit sa iyo (o Muhammad) noon pang una [sa Surat Al-An’am (ang Bakahan), tunghayan ang talata 6:146]. At hindi Kami ang nagpariwara sa kanila, datapuwa’t ipinariwara nila ang kanilang sarili
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُوا السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At katotohanan! Ang iyong Panginoon, - sa mga gumagawa ng kasamaan (mga nagugumon sa kasalanan at palasuway kay Allah) sa kawalan ng kaalaman, at matapos ay nagtika at gumawa ng mga kabutihan, katotohanan, ang iyong Panginoon, makaraan (ang gayong bagay), ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
إِنَّ إِبْرَاهِيمَ كَانَ أُمَّةً قَانِتًا لِلَّهِ حَنِيفًا وَلَمْ يَكُ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Katotohanan, si Abraham ay isang Ummah (isang pinuno na may taglay ng lahat ng mabubuting katangian, o isang bansa [pamayanan]), masunurin kay Allah, isang Hanifan (alalaong baga, sumasamba lamang kay Allah), at siya ay hindi isa sa mga kabilang sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, at mga nag-aakibat ng mga katambal sa Kanya)
شَاكِرًا لِأَنْعُمِهِ ۚ اجْتَبَاهُ وَهَدَاهُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
(Siya, si Abraham) ay may pasasalamat sa Kanyang mga Biyaya. Kanyang (Allah) pinili siya (bilang isang matalik na kaibigan) at Kanyang pinatnubayan siya sa Matuwid na Landas (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam, at hindi sa Hudaismo o Kristiyanismo)
وَآتَيْنَاهُ فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ
At Aming pinagkalooban siya ng mabuti sa mundong ito, at sa Kabilang Buhay, siya ay mapapabilang sa mga matutuwid

Choose other languages: