Surah Al-Qasas Ayahs #87 Translated in Filipino
تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ
Ang Tahanang yaon ng Kabilang Buhay (alalaong baga, ang Paraiso) ay Aming ipagkakaloob sa mga tao na hindi naghihimagsik laban sa katotohanan ng may kapalaluan at pang-aapi at hindi nagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, at ang Hantungan ay (higit na mainam) sa Muttaqun (mga matutuwidatmatimtimangtaonalabisnanangangambakay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbabawal at nagmamahal kay Allah ng labis sa pamamagitan nang pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-uutos)
مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا ۖ وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَلَا يُجْزَى الَّذِينَ عَمِلُوا السَّيِّئَاتِ إِلَّا مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Kung sinuman ang gumawa ng kabutihan (paniniwala sa Kaisahan ni Allah na kalakip ang mabubuting gawa), ang gantimpala para sa kanya ay higit na mainam (at marami) sa kanyang mga gawa; nguni’t kung sinuman ang magdala ng kasamaan (paniniwala sa mga diyus-diyosan kasama ng masasamang gawa), kung gayon, ang gumawa ng kasamaan ay parurusahan lamang (nang katapat) sa kanyang mga gawa
إِنَّ الَّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَادُّكَ إِلَىٰ مَعَادٍ ۚ قُلْ رَبِّي أَعْلَمُ مَنْ جَاءَ بِالْهُدَىٰ وَمَنْ هُوَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ
Katotohanang Siya na nagbigay sa iyo (O Muhammad) ng Qur’an (alalaong baga, nag-utos sa iyo na sumunod sa mga batas nito at mangaral sa iba) ay walang pagsala na magdadala sa iyo pabalik sa Lugar ng Ma’ad (lugar ng pagbabalik, maaaring sa Makkah o Paraiso matapos ang iyong kamatayan, atbp.). Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ang Lubos na Nakakatalos kung sino ang nagdadala ng tumpak na patnubay at kung sino ang nasa lantad na kamalian.”
وَمَا كُنْتَ تَرْجُو أَنْ يُلْقَىٰ إِلَيْكَ الْكِتَابُ إِلَّا رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرًا لِلْكَافِرِينَ
At hindi mo inaasahan na ang Aklat (ang Qur’an) ay ipapanaog sa iyo, datapuwa’t ito ay isang Habag mula sa iyong Panginoon, kaya’t huwag mong tangkilikin ang mga hindi sumasampalataya (na nagtatakwil sa kapahayagan ni Allah)
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنْ آيَاتِ اللَّهِ بَعْدَ إِذْ أُنْزِلَتْ إِلَيْكَ ۖ وَادْعُ إِلَىٰ رَبِّكَ ۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
At huwag mong hayaan (o Muhammad) na ilayo ka nila (sa pangangaral) ng Ayat (mga kapahayagan at mga talata) ni Allah, matapos na ito ay maipahayag sa iyo, at iyong anyayahan (ang sangkatauhan) sa iyong Panginon (alalaong baga, sa Kaisahan [Tauhid] ni Allah: 1. Kaisahan sa Pamamanginoon ni Allah; 2. Kaisahan sa pagsamba lamang kay Allah; 3. Kaisahan sa Pangalan at Katangian ni Allah), at huwag kang maging isa sa Al-Mushrikun (mga tao na nagtatambal ng iba pang diyos maliban kay Allah, pagano, sumasamba sa mga imahen, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at nagtatatwa sa pagka-Propeta ng Kanyang Tagapagbalita 617 na si Muhammad)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
