Surah Al-Mumtahana Ayahs #13 Translated in Filipino
وَإِنْ فَاتَكُمْ شَيْءٌ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ إِلَى الْكُفَّارِ فَعَاقَبْتُمْ فَآتُوا الَّذِينَ ذَهَبَتْ أَزْوَاجُهُمْ مِثْلَ مَا أَنْفَقُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي أَنْتُمْ بِهِ مُؤْمِنُونَ
At kung sinuman sa inyong mga asawa ang umalis sa inyo at tumungo sa mga hindi sumasampalataya, at mayroon kayong kakayahang (makakuha ng babae sa kabilang panig), kung gayon ay inyong bayaran ang mga lalaking iniwan ng babae, sa halaga na kanilang ginugol (sa kanilang dote), at pangambahan ninyo si Allah; Siya na inyong sinasampalatayanan
يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ إِذَا جَاءَكَ الْمُؤْمِنَاتُ يُبَايِعْنَكَ عَلَىٰ أَنْ لَا يُشْرِكْنَ بِاللَّهِ شَيْئًا وَلَا يَسْرِقْنَ وَلَا يَزْنِينَ وَلَا يَقْتُلْنَ أَوْلَادَهُنَّ وَلَا يَأْتِينَ بِبُهْتَانٍ يَفْتَرِينَهُ بَيْنَ أَيْدِيهِنَّ وَأَرْجُلِهِنَّ وَلَا يَعْصِينَكَ فِي مَعْرُوفٍ ۙ فَبَايِعْهُنَّ وَاسْتَغْفِرْ لَهُنَّ اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
O Propeta! Kung ang mga sumasampalatayang babae ay magsilapit sa iyo upang sila ay manumpa sa iyo ng katapatan (Bai’a o pangako), na sila ay hindi magtatambal ng anupaman sa pagsamba kay Allah, na sila ay hindi magnanakaw, na sila ay hindi gagawa ng pangangalunya (o bawalnapakikipagtalik), nasilaayhindipapatayngkanilang mga anak, na sila ay hindi magsasalita ng paninirang puri, na may paghahangad na gumawa ng kabulaanan (alalaong baga, na sila ay magkaroon ng mga hindi legal na angkin ng kanilang asawa), at sila ay hindi lalabag sa iyo sa anupamang bagay na makatarungan, kung gayon, ay iyong tanggapin ang kanilang katapatan (Bai’a o pangako), at iyong ipagdasal kay Allah ang kapatawaran (ng kanilang mga kasalanan). Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَوَلَّوْا قَوْمًا غَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ قَدْ يَئِسُوا مِنَ الْآخِرَةِ كَمَا يَئِسَ الْكُفَّارُ مِنْ أَصْحَابِ الْقُبُورِ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong makitungo (sa pakikipagkaibigan) sa mga tao na ang Poot ni Allah (alalaong baga, ang mga Hudyo) ay nasa kanila. Katiyakang sila ay nasa kawalan ng pag-asa na makatanggap ng anumang mabuti sa Kabilang Buhay, na katulad din ng mga hindi sumasampalataya na nasa kawalan ng pag-asa hinggil sa mga (nakalibing) sa kanilang puntod (na sila ay hindi ibabangong muli sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
