Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mujadala Ayahs #16 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُولَ فَقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay (nagnanais) na sumangguni sa Tagapagbalita (Muhammad) sa pribado, gumugol kayo ng anuman sa kawanggawa bago ang inyong pribadong pagsangguni. Ito ay higit na makakabuti sa inyo at higit na mainam upang dalisayin (ang inyong pag-uugali). Datapuwa’t kung kayo ay hindi makatagpo (ng kakayahan dito), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
أَأَشْفَقْتُمْ أَنْ تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَاتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا وَتَابَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ
Kayo baga ay nangangamba na gumugol sa kawanggawa bago ang inyong pribadong pagsangguni (sa kanya)! Magkagayunman, kung ito ay hindi ninyo nagawa at si Allah ay nagpatawad sa inyo, kung gayon (sa pinakamagaan na paraan), kayo ay mag-alay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah); at magbigay ng Zakat (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo si Allah (alalaong baga, gawin ninyong lahat ang ipinag-uutos ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita). At si Allah ang Lubos na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ تَوَلَّوْا قَوْمًا غَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مَا هُمْ مِنْكُمْ وَلَا مِنْهُمْ وَيَحْلِفُونَ عَلَى الْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ
Hindi mo ba napagmamasdan (O Muhammad) sila na (mga mapagkunwari) na nakikipagmabutihan sa mga tao na umaani ng Pagkagalit ni Allah (alalaong baga, ang mga Hudyo)? Sila ay hindi kabilang sa inyo (na mga Muslim) at gayundin sila (na mga Hudyo), at sila ay sumusumpa sa kasinungalingan nang lantaran samantalang ito ay kanilang nalalaman
أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Si Allah ay naghanda sa kanila ng kasakit-sakit na Kaparusahan. Katotohanang kabuktutan ang kanilang mga gawa
اتَّخَذُوا أَيْمَانَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ
Ginawa nila ang kanilang mga pangako (sumpa) bilang pantakip (sa kanilang mga lihis na gawa). Kaya’t hinahadlangan nila ang mga tao tungo sa Landas ni Allah, at sa gayon, sila ay magkakamit ng kaaba- abang Kaparusahan

Choose other languages: