Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mujadala Ayahs #19 Translated in Filipino

أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ عَذَابًا شَدِيدًا ۖ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Si Allah ay naghanda sa kanila ng kasakit-sakit na Kaparusahan. Katotohanang kabuktutan ang kanilang mga gawa
اتَّخَذُوا أَيْمَانَهُمْ جُنَّةً فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ فَلَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ
Ginawa nila ang kanilang mga pangako (sumpa) bilang pantakip (sa kanilang mga lihis na gawa). Kaya’t hinahadlangan nila ang mga tao tungo sa Landas ni Allah, at sa gayon, sila ay magkakamit ng kaaba- abang Kaparusahan
لَنْ تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Ang kanilang kayamanan gayundin ang kanilang mga anak (na lalaki) ay walang maidudulot sa kanila na anumang katuturan laban kay Allah. Sila ang magiging kasamahan ng Apoy upang manahan doon magpakailanman
يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ الْكَاذِبُونَ
Sa Araw na sila ay ibabangong muli ni Allah (tungo sa paghuhukom) nang sama-sama (upang magsulit), sa gayon, sila ay manunumpa sa Kanya na kagaya ng panunumpa nila sa inyo (mga Muslim). At sila ay nag-aakala na mayroon silang kakayahan (upang tindigan). wala, katotohanang sila ay mga sinungaling
اسْتَحْوَذَ عَلَيْهِمُ الشَّيْطَانُ فَأَنْسَاهُمْ ذِكْرَ اللَّهِ ۚ أُولَٰئِكَ حِزْبُ الشَّيْطَانِ ۚ أَلَا إِنَّ حِزْبَ الشَّيْطَانِ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Si Satanas ang nangingibabaw sa kanila, kaya’t kanyang ginawa na makaligtaan nila ang pag-aala-ala kay Allah. Sila nga ang mga kampon ni Satanas! Katotohanan, ang mga kampon ni Satanas ang mapapahamak

Choose other languages: