Surah Al-Maeda Ayahs #44 Translated in Filipino
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Hindi baga ninyo nababatid na kay Allah (lamang) ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan! Siya ang nagpaparusa sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang nagpapatawad sa sinumang Kanyang mapusuan. At si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay
يَا أَيُّهَا الرَّسُولُ لَا يَحْزُنْكَ الَّذِينَ يُسَارِعُونَ فِي الْكُفْرِ مِنَ الَّذِينَ قَالُوا آمَنَّا بِأَفْوَاهِهِمْ وَلَمْ تُؤْمِنْ قُلُوبُهُمْ ۛ وَمِنَ الَّذِينَ هَادُوا ۛ سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ سَمَّاعُونَ لِقَوْمٍ آخَرِينَ لَمْ يَأْتُوكَ ۖ يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ مِنْ بَعْدِ مَوَاضِعِهِ ۖ يَقُولُونَ إِنْ أُوتِيتُمْ هَٰذَا فَخُذُوهُ وَإِنْ لَمْ تُؤْتَوْهُ فَاحْذَرُوا ۚ وَمَنْ يُرِدِ اللَّهُ فِتْنَتَهُ فَلَنْ تَمْلِكَ لَهُ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَمْ يُرِدِ اللَّهُ أَنْ يُطَهِّرَ قُلُوبَهُمْ ۚ لَهُمْ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
O Tagapagbalita (Muhammad)! Huwag hayaan ang nagmamadali na mahulog sa kawalan ng pananampalataya ay magbigay ng pighati sa iyo, at sa mga nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya”, sa kanilang bibig, datapuwa’t ang kanilang puso ay walang pananalig. At sa mga Hudyo ay may mga tao na lubhang nakikinig nang marami at masigasig sa kasinungalingan, – na nakikinig sa mga iba na hindi pa nakalapit sa iyo. Kanilang binabago (pinapalitan) ang salita sa tamang lugar (kahulugan); sila ay nagsasabi: “Kung kayo ay binigyan nito, inyo itong kunin, subalit kung kayo ay hindi binigyan nito, kung gayon, kayo ay mag-ingat!” At sinuman ang naisin niAllah na ilagay saAl-Fitnah (kamalian, dahilan sa kanyang pagtatakwil sa Pananampalataya), ikaw ay walang magagawa para sa kanya laban kay Allah. Sila ang (mga tao) na ang puso ay hindi ninanais ni Allah na dalisayin (mula sa kawalan ng pananalig at pagkukunwari); sasakanila ang kahihiyan sa mundong ito at sa Kabilang Buhay ay may malaking kaparusahan
سَمَّاعُونَ لِلْكَذِبِ أَكَّالُونَ لِلسُّحْتِ ۚ فَإِنْ جَاءُوكَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ أَوْ أَعْرِضْ عَنْهُمْ ۖ وَإِنْ تُعْرِضْ عَنْهُمْ فَلَنْ يَضُرُّوكَ شَيْئًا ۖ وَإِنْ حَكَمْتَ فَاحْكُمْ بَيْنَهُمْ بِالْقِسْطِ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ
(Sila ay nalulugod) sa pakikinig sa kasinungalingan upang sumila sa anumang ipinagbabawal. Kaya’t kung sila ay lumapit sa iyo (o Muhammad), maaari mo silang hatulan sa pagitan nila o iyong talikuran sila. Kung sila ay iyong talikuran, hindi nila magagawa na ikaw ay (kanilang) saktan kahitnakatiting.Atkungikawayhumatol, iyonghatulansila ng may katarungan sa pagitan nila. Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa nang makatarungan
وَكَيْفَ يُحَكِّمُونَكَ وَعِنْدَهُمُ التَّوْرَاةُ فِيهَا حُكْمُ اللَّهِ ثُمَّ يَتَوَلَّوْنَ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ ۚ وَمَا أُولَٰئِكَ بِالْمُؤْمِنِينَ
Datapuwa’t paanong nangyari na sila ay lumapit sa iyo tungo sa pagpapasya, samantalang sila ay may Torah (mga Batas), na naririto ang maliwanag na pasya ni Allah; ngunit kahit na nang makaraan ito, sila ay nagsitalikod sapagkat sila ay hindi (tunay) na sumasampalataya
إِنَّا أَنْزَلْنَا التَّوْرَاةَ فِيهَا هُدًى وَنُورٌ ۚ يَحْكُمُ بِهَا النَّبِيُّونَ الَّذِينَ أَسْلَمُوا لِلَّذِينَ هَادُوا وَالرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ بِمَا اسْتُحْفِظُوا مِنْ كِتَابِ اللَّهِ وَكَانُوا عَلَيْهِ شُهَدَاءَ ۚ فَلَا تَخْشَوُا النَّاسَ وَاخْشَوْنِ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ وَمَنْ لَمْ يَحْكُمْ بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ
Katotohanang Aming ipinanaog ang Torah (ang mga Batas kay Moises), naririto ang patnubay at liwanag, na sa pamamagitan nito ang mga Propeta na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah ay humatol sa mga Hudyo. At ang mga Rabbi at mga pari (ay humatol rin sa mga Hudyo sa pamamagitan ng Torah [mga Batas] makaraan ang mga Propetang ito), sapagkat sa kanila ay ipinagkatiwala ang pangangalaga sa Aklat ni Allah, at sila ay mga saksi rito. Kaya’t sila ay huwag ninyong katakutan, datapuwa’t Ako ay inyong pangambahan (O mga Hudyo) at huwag ninyong ipagbili ang Aking mga Talata sa murang halaga. At kung sinuman ang hindi humatol ng ayon sa kapahayagan ni Allah, sila ang Kafirun (alalaong baga, ang mga hindi sumasampalataya, – na may mababang antas dahilan sa hindi sila gumagawa ng ayon sa Batas ni Allah)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
