Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #40 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لِيَفْتَدُوا بِهِ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya, kung sila ay mayroon ng lahat ng naririto sa kalupaan at (kahit) ito man ay maging dalawa upang ibigay na pantubos sa kaparusahan ng Araw ng Muling Pagkabuhay, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanila, at sasakanila ang masakit na kaparusahan
يُرِيدُونَ أَنْ يَخْرُجُوا مِنَ النَّارِ وَمَا هُمْ بِخَارِجِينَ مِنْهَا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ
Sila ay magnanais na makaalpas sa Apoy, datapuwa’t kailanman ay hindi sila makakaalis dito, at sasakanila ang kaparusahan na hindi magmamaliw
وَالسَّارِقُ وَالسَّارِقَةُ فَاقْطَعُوا أَيْدِيَهُمَا جَزَاءً بِمَا كَسَبَا نَكَالًا مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ حَكِيمٌ
Ang magnanakaw, lalaki o babae, putulin ang kanilang kamay (kanang kamay hanggang sa galang-galangan), bilang kabayaran sa kanilang ginawa, isang kaparusahan sa pamamagitan ng halimbawa mula kay Allah. At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
فَمَنْ تَابَ مِنْ بَعْدِ ظُلْمِهِ وَأَصْلَحَ فَإِنَّ اللَّهَ يَتُوبُ عَلَيْهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Datapuwa’t sinuman ang magtika matapos ang kanyang krimen at gumawa ng kabutihan (sa pagsunod kay Allah), kung gayon, katotohanang si Allah ay magpapatawad sa kanya (tatanggap sa kanyang pagsisisi). Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Hindi baga ninyo nababatid na kay Allah (lamang) ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan! Siya ang nagpaparusa sa sinumang Kanyang maibigan, at Siya ang nagpapatawad sa sinumang Kanyang mapusuan. At si Allah ay makakagawa ng lahat ng bagay

Choose other languages: