Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #37 Translated in Filipino

إِنَّمَا جَزَاءُ الَّذِينَ يُحَارِبُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا أَنْ يُقَتَّلُوا أَوْ يُصَلَّبُوا أَوْ تُقَطَّعَ أَيْدِيهِمْ وَأَرْجُلُهُمْ مِنْ خِلَافٍ أَوْ يُنْفَوْا مِنَ الْأَرْضِ ۚ ذَٰلِكَ لَهُمْ خِزْيٌ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Ang kabayaran ng mga naghahamon ng digmaan laban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita at gumagawa ng kalokohan (kabuktutan) sa buong kalupaan ay katulad lamang (na sila) ay mapatay o mapako sa krus, o ang kanilang mga kamay at paa ay putulin sa magkabilang panig, o ang ipatapon sa kalupaan. Ito ang kanilang kahihiyan sa mundong ito, at ang malaking kaparusahan ay sasakanila sa Kabilang Buhay
إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَقْدِرُوا عَلَيْهِمْ ۖ فَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Maliban sa kanila (na tumalilis at pagkatapos) ay nagbalik (bilang mga Muslim) na may pagsisisi bago sila nahulog sa inyong kapangyarihan, sa gayong kalagayan, inyong maalaman na si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَابْتَغُوا إِلَيْهِ الْوَسِيلَةَ وَجَاهِدُوا فِي سَبِيلِهِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Inyong ganapin ang inyong tungkulin kay Allah at (inyong) pangambahan Siya. Hanapin ninyo ang paraan upang mapalapit sa Kanya at magsikap kayo nang mataman tungo sa Kanyang Kapakanan hanggang sa inyong makakaya upang kayo ay maging matagumpay
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لِيَفْتَدُوا بِهِ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya, kung sila ay mayroon ng lahat ng naririto sa kalupaan at (kahit) ito man ay maging dalawa upang ibigay na pantubos sa kaparusahan ng Araw ng Muling Pagkabuhay, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanila, at sasakanila ang masakit na kaparusahan
يُرِيدُونَ أَنْ يَخْرُجُوا مِنَ النَّارِ وَمَا هُمْ بِخَارِجِينَ مِنْهَا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ مُقِيمٌ
Sila ay magnanais na makaalpas sa Apoy, datapuwa’t kailanman ay hindi sila makakaalis dito, at sasakanila ang kaparusahan na hindi magmamaliw

Choose other languages: