Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #65 Translated in Filipino

فَلَمَّا بَلَغَا مَجْمَعَ بَيْنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَاتَّخَذَ سَبِيلَهُ فِي الْبَحْرِ سَرَبًا
Datapuwa’t nang kanilang marating ang salikop ng dalawang dagat, nalimutan nila ang kanilang isda, at ito ay nanalunton (ng kanyang daan) sa dagat na tila isang guwang (lagusan sa ilalim ng lupa)
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَاهُ آتِنَا غَدَاءَنَا لَقَدْ لَقِينَا مِنْ سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبًا
Kaya’t nang sila ay makaraan, na lampas (sa gayong takdang lugar), si Moises ay nagsabi sa kanyang katulong na lalaki: “dalhin mo sa amin ang aming almusal; katotohanang tayo ay nagtamo ng malaking pagod dito sa ating paglalakbay.”
قَالَ أَرَأَيْتَ إِذْ أَوَيْنَا إِلَى الصَّخْرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ الْحُوتَ وَمَا أَنْسَانِيهُ إِلَّا الشَّيْطَانُ أَنْ أَذْكُرَهُ ۚ وَاتَّخَذَ سَبِيلَهُ فِي الْبَحْرِ عَجَبًا
Siya (ang katulong na lalaki) ay nagsabi: “Hindi mo ba naala-ala nang tayo ay tumahan at magpahinga sa batuhan? Katotohanang aking nakalimutan ang isda, wala ng iba maliban kay Satanas ang nagpapangyari upang malimutan ko ito. Ito ay tumahak sa dagat sa kamangha-manghang (paraan)!”
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبْغِ ۚ فَارْتَدَّا عَلَىٰ آثَارِهِمَا قَصَصًا
Si Moises ay nagsabi: “Iyan ang ating hinahanap.” Kaya’t sila ay nagbalik at tinalunton nila ang bakas ng kanilang yapak
فَوَجَدَا عَبْدًا مِنْ عِبَادِنَا آتَيْنَاهُ رَحْمَةً مِنْ عِنْدِنَا وَعَلَّمْنَاهُ مِنْ لَدُنَّا عِلْمًا
At kanilang natagpuan ang isa sa Aming mga alipin, na sa kanya ay ipinagkaloob Namin ang Habag mula sa Amin, at siya ang Aming tinuruan ng karunungan mula sa Amin

Choose other languages: