Surah Al-Kahf Ayahs #54 Translated in Filipino
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ كَانَ مِنَ الْجِنِّ فَفَسَقَ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِ ۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُ وَذُرِّيَّتَهُ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِي وَهُمْ لَكُمْ عَدُوٌّ ۚ بِئْسَ لِلظَّالِمِينَ بَدَلًا
At (gunitain) nang Aming wikain sa mga anghel; “Magpatirapa kayo kay Adan.” Kaya’t sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (isa sa mga Jinn na kasama ng mga anghel). Siya ay isa sa mga Jinn, siya ay sumuway sa Pag- uutos ng Kanyang Panginoon. Inyo bagang tatangkilikin siya (Iblis) at ang kanyang kampon (mga anak) bilang mga tagapagtanggol at kawaksi kaysa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway sa inyo. Anong kasamaan ang kapalit sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, atbp)
مَا أَشْهَدْتُهُمْ خَلْقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَا خَلْقَ أَنْفُسِهِمْ وَمَا كُنْتُ مُتَّخِذَ الْمُضِلِّينَ عَضُدًا
Ako (Allah) ang nagpapangyari sa kanila (si Iblis at ang kanyang mga supling) na huwag makasaksi (gayundin, ang hingin ang kanilang tulong) sa paglikha ng kalangitan at kalupaan (at maging) ang kanilang sariling pagkalikha, gayundin, Ako (Allah) ay hindi kukuha sa mga mapangligaw (sa katotohanan) bilang mga kawaksi
وَيَوْمَ يَقُولُ نَادُوا شُرَكَائِيَ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ مَوْبِقًا
At (alalahanin) ang Araw na Siya ay magpapahayag: “Tawagin ninyo ang mga iniaakibat ninyong katambal sa Akin na inyong pinananaligan.” At sila ay magsisitaghoy sa kanila (mga diyus-diyosan), datapuwa’t sila ay hindi sasagot sa kanila, at Kami ay maglalagay ng Maubiqa (isang sagka, o pagkagalit, o pagkawasak, o isang Lambak ng Impiyerno) sa kanilang pagitan
وَرَأَى الْمُجْرِمُونَ النَّارَ فَظَنُّوا أَنَّهُمْ مُوَاقِعُوهَا وَلَمْ يَجِدُوا عَنْهَا مَصْرِفًا
At ang Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ay makakatunghay sa Apoy at kanilang mahihinuha na sila ay mahuhulog dito. At sila ay hindi makakatagpo ng paraan upang makatakas dito
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ لِلنَّاسِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ أَكْثَرَ شَيْءٍ جَدَلًا
At katotohanang Kami ay nagtambad ng lahat ng uri ng halimbawa sa Qur’an para sa sangkatauhan. Datapuwa’t ang tao ay lagi, at higit na palaaway kaysa sa anumang (nilikha)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
