Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #49 Translated in Filipino

وَاضْرِبْ لَهُمْ مَثَلَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَاءٍ أَنْزَلْنَاهُ مِنَ السَّمَاءِ فَاخْتَلَطَ بِهِ نَبَاتُ الْأَرْضِ فَأَصْبَحَ هَشِيمًا تَذْرُوهُ الرِّيَاحُ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ مُقْتَدِرًا
At ihantad sa kanila ang halimbawa ng buhay sa mundong ito; ito ay katulad ng tubig (ulan) na Aming ipinanaog mula sa alapaap, at ang halamanan ng kalupaan ay sumanib sa kanya, at naging sariwa at luntian. Datapuwa’t (sa bandang huli), ito ay naging tuyo at nadurog sa mga piraso na ikinakalat ng hangin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay
الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا
Ang kayamanan at mga anak ay palamuti sa buhay sa mundong ito. Datapuwa’t ang mabuti at matuwid na mga gawa (ang limang takdang panalangin, mga gawa ng pagsunod kay Allah, mapitagang pag-uusap, pag-aala-ala kay Allah nang may pagluwalhati, papuri at pasasalamat, atbp.) na nagtatagal ay higit na mabuti sa Paningin ng iyong Panginoon kung sa gantimpala, at higit na mainam kung patungkol sa pag-asa
وَيَوْمَ نُسَيِّرُ الْجِبَالَ وَتَرَى الْأَرْضَ بَارِزَةً وَحَشَرْنَاهُمْ فَلَمْ نُغَادِرْ مِنْهُمْ أَحَدًا
At (alalahanin) ang Araw na Aming papapangyarihin na ang kabundukan ay maguho (na tulad ng ulap ng alikabok), at inyong makikita ang kalupaan na tulad ng pinatag na lupa, at sila ay Aming titipunin ng sama-sama upang walang maiwan kahit na isa
وَعُرِضُوا عَلَىٰ رَبِّكَ صَفًّا لَقَدْ جِئْتُمُونَا كَمَا خَلَقْنَاكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ بَلْ زَعَمْتُمْ أَلَّنْ نَجْعَلَ لَكُمْ مَوْعِدًا
At sila ay itatambad sa harapan ng iyong Panginoon sa mga hanay, (at si Allah ay magpapahayag): “Ngayon, katotohanang kayo ay dumatal sa Amin na katulad ng paglikha Namin sa inyo noong una. Hindi, datapuwa’t inyong inakala na Kami ay hindi nagtakda ng inyong pakikipagtipan (sa Amin).”
وَوُضِعَ الْكِتَابُ فَتَرَى الْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَا وَيْلَتَنَا مَالِ هَٰذَا الْكِتَابِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً إِلَّا أَحْصَاهَا ۚ وَوَجَدُوا مَا عَمِلُوا حَاضِرًا ۗ وَلَا يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا
At ang Aklat (ang Talaan ng bawat isa) ay ilalagay (sa kanang kamay ng isang sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at sa kaliwang kamay ng hindi nananampalataya sa Kaisahan ni Allah), at inyong mapagmamalas ang Mujrimun (mga kriminal, makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, atbp.) na natatakot sa anumang (nakasulat) dito. Sila ay magsasabi: “Kasawian sa amin! Anong uri ng Aklat ito na hindi nakaligta ng anuman maging ng maliit o malaking bagay, datapuwa’t nagtala ito sa maraming bilang!” At kanilang matatagpuan (dito) ang lahat ng kanilang ginawa na inihantad sa kanilang harapan, at ang inyong Panginoon ay hindi nakikitungo sa sinuman ng walang katarungan

Choose other languages: