Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #33 Translated in Filipino

وَقُلِ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكُمْ ۖ فَمَنْ شَاءَ فَلْيُؤْمِنْ وَمَنْ شَاءَ فَلْيَكْفُرْ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا ۚ وَإِنْ يَسْتَغِيثُوا يُغَاثُوا بِمَاءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوُجُوهَ ۚ بِئْسَ الشَّرَابُ وَسَاءَتْ مُرْتَفَقًا
At ipagbadya: “Ang Katotohanan ay mula sa inyong Panginoon.” At kung sinuman ang magnais, hayaan siyang manampalataya, at kung sinuman ang magnais, hayaan siyang huwag manampalataya. Katotohanang Aming inihanda sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, buktot, tampalasan, atbp.), ang isang Apoy na ang mga dingding nito ay nakapalibot sa kanila (na mga walang pananalig sa Kaisahan ni Allah). At kung sila ay humingi ng tulong (ginhawa, tubig, atbp.), sila ay bibigyan ng tubig na tulad ng kumukulong langis, na babanli sa kanilang mukha. Kakila-kilabot ang inumin dito at isang masamang Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp)
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ مَنْ أَحْسَنَ عَمَلًا
Katotohanan, sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katiyakang hindi Namin hahayaan na mawala ang gantimpala ng sinumang gumagawa ng kanyang (matutuwid) na gawa sa pinakamahusay na paraan
أُولَٰئِكَ لَهُمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۚ نِعْمَ الثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا
At sa kanila, sila ay magtatamo ng Walang Hanggang Halamanan (Paraiso); na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, dito sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto, at sila ay magsusuot ng luntiang damit na pino at makapal na sutla. Sila ay magsisihilig doon sa mga nakataas na luklukan. Gaano kainam ang gantimpala, at isang kalugod-lugod na Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp)
وَاضْرِبْ لَهُمْ مَثَلًا رَجُلَيْنِ جَعَلْنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيْنِ مِنْ أَعْنَابٍ وَحَفَفْنَاهُمَا بِنَخْلٍ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمَا زَرْعًا
At ihantad sa kanila ang halimbawa ng dalawang tao; sa isa sa kanila ay nagkaloob Kami ng dalawang halamanan ng ubas, at kapwa ito ay pinalibutan Namin ng mga punong palmera (datiles), at naglagay kami sa pagitan nito ng mga mabubungkal (o masasaka) na bukid
كِلْتَا الْجَنَّتَيْنِ آتَتْ أُكُلَهَا وَلَمْ تَظْلِمْ مِنْهُ شَيْئًا ۚ وَفَجَّرْنَا خِلَالَهُمَا نَهَرًا
Ang bawat isa sa dalawang halamanan ay nagbigay ng kanyang ani, at hindi kailanman, kahit na kaunti, ito ay nagmaliw, at hinayaan Namin ang isang ilog na dumaloy dito sa (kanilang) pagitan

Choose other languages: