Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #34 Translated in Filipino

إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجْرَ مَنْ أَحْسَنَ عَمَلًا
Katotohanan, sa mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, katiyakang hindi Namin hahayaan na mawala ang gantimpala ng sinumang gumagawa ng kanyang (matutuwid) na gawa sa pinakamahusay na paraan
أُولَٰئِكَ لَهُمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۚ نِعْمَ الثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا
At sa kanila, sila ay magtatamo ng Walang Hanggang Halamanan (Paraiso); na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, dito sila ay papalamutihan ng mga pulseras na ginto, at sila ay magsusuot ng luntiang damit na pino at makapal na sutla. Sila ay magsisihilig doon sa mga nakataas na luklukan. Gaano kainam ang gantimpala, at isang kalugod-lugod na Murtafaqa (paninirahan o pahingahang lugar, atbp)
وَاضْرِبْ لَهُمْ مَثَلًا رَجُلَيْنِ جَعَلْنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيْنِ مِنْ أَعْنَابٍ وَحَفَفْنَاهُمَا بِنَخْلٍ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمَا زَرْعًا
At ihantad sa kanila ang halimbawa ng dalawang tao; sa isa sa kanila ay nagkaloob Kami ng dalawang halamanan ng ubas, at kapwa ito ay pinalibutan Namin ng mga punong palmera (datiles), at naglagay kami sa pagitan nito ng mga mabubungkal (o masasaka) na bukid
كِلْتَا الْجَنَّتَيْنِ آتَتْ أُكُلَهَا وَلَمْ تَظْلِمْ مِنْهُ شَيْئًا ۚ وَفَجَّرْنَا خِلَالَهُمَا نَهَرًا
Ang bawat isa sa dalawang halamanan ay nagbigay ng kanyang ani, at hindi kailanman, kahit na kaunti, ito ay nagmaliw, at hinayaan Namin ang isang ilog na dumaloy dito sa (kanilang) pagitan
وَكَانَ لَهُ ثَمَرٌ فَقَالَ لِصَاحِبِهِ وَهُوَ يُحَاوِرُهُ أَنَا أَكْثَرُ مِنْكَ مَالًا وَأَعَزُّ نَفَرًا
At siya ay mayroong ari-arian (o bungangkahoy), at kanyang sinabi sa kanyang kasama, sa kahabaan ng magkapanabay na pag-uusap: “Ako ay higit na marami sa iyo sa kayamanan at higit na malakas kung pag-uusapan ang mga tao.”

Choose other languages: