Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #13 Translated in Filipino

أَمْ حَسِبْتَ أَنَّ أَصْحَابَ الْكَهْفِ وَالرَّقِيمِ كَانُوا مِنْ آيَاتِنَا عَجَبًا
Napag-aakala mo ba na ang mga tao ng Yungib at ang Nakalimbag (ang balita o mga pangalan ng mga tao ng Yungib) ay kamangha-mangha sa gitna ng Aming mga Tanda
إِذْ أَوَى الْفِتْيَةُ إِلَى الْكَهْفِ فَقَالُوا رَبَّنَا آتِنَا مِنْ لَدُنْكَ رَحْمَةً وَهَيِّئْ لَنَا مِنْ أَمْرِنَا رَشَدًا
(At gunitain) nang ang mga kabataang lalaki ay tumalilis tungo sa kaligtasan (mula sa mga tao na hindi sumasampalataya) sa Yungib, at sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Kami ay pagkalooban Ninyo ng Habag mula sa Inyong Sarili, at pagaanin Ninyo ang aming buhay (kalagayan) sa tamang landas!”
فَضَرَبْنَا عَلَىٰ آذَانِهِمْ فِي الْكَهْفِ سِنِينَ عَدَدًا
Kaya’t Aming tinakpan ang kanilang pandinig (na nagdulot sa kanila na makatulog ng lubhang mahimbing) sa loob ng Yungib sa maraming taon
ثُمَّ بَعَثْنَاهُمْ لِنَعْلَمَ أَيُّ الْحِزْبَيْنِ أَحْصَىٰ لِمَا لَبِثُوا أَمَدًا
At (pagkaraan) ay Aming ibinangon sila (sa kanilang pagkakatulog) upang Aming masubukan kung sino sa dalawang pangkat ang pinakamagaling sa pagsusulit kung gaano kahabang panahon na sila ay namalagi (sa Yungib)
نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ آمَنُوا بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَاهُمْ هُدًى
Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) ang kanilang kasaysayan sa katotohanan. Katotohanang sila ay mga kabataang lalaki na sumampalataya sa kanilang Panginoon (Allah), at Aming dinagdagan ang kanilang patnubay

Choose other languages: