Surah Al-Kahf Ayahs #15 Translated in Filipino
فَضَرَبْنَا عَلَىٰ آذَانِهِمْ فِي الْكَهْفِ سِنِينَ عَدَدًا
Kaya’t Aming tinakpan ang kanilang pandinig (na nagdulot sa kanila na makatulog ng lubhang mahimbing) sa loob ng Yungib sa maraming taon
ثُمَّ بَعَثْنَاهُمْ لِنَعْلَمَ أَيُّ الْحِزْبَيْنِ أَحْصَىٰ لِمَا لَبِثُوا أَمَدًا
At (pagkaraan) ay Aming ibinangon sila (sa kanilang pagkakatulog) upang Aming masubukan kung sino sa dalawang pangkat ang pinakamagaling sa pagsusulit kung gaano kahabang panahon na sila ay namalagi (sa Yungib)
نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ آمَنُوا بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَاهُمْ هُدًى
Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) ang kanilang kasaysayan sa katotohanan. Katotohanang sila ay mga kabataang lalaki na sumampalataya sa kanilang Panginoon (Allah), at Aming dinagdagan ang kanilang patnubay
وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا فَقَالُوا رَبُّنَا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَنْ نَدْعُوَ مِنْ دُونِهِ إِلَٰهًا ۖ لَقَدْ قُلْنَا إِذًا شَطَطًا
At Aming ginawa ang kanilang puso na maging matatag at malakas (na may liwanag ng Pananalig kay Allah at Aming iginawad sa kanila ang pagkamatiisin upang kanilang mabata ang pagiging hiwalay nila sa kanilang mga kamag- anak at tirahan, atbp.), nang sila ay tumindig at nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siyang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, kailanman ay hindi kami tatawag sa anumang diyos maliban lamang sa Kanya; at kung kami ay gumawa ng gayon (paninikluhod sa mga diyus-diyosan), katotohanang kami ay umusal ng isang mabigat na bagay sa kawalan ng pananalig
هَٰؤُلَاءِ قَوْمُنَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ لَوْلَا يَأْتُونَ عَلَيْهِمْ بِسُلْطَانٍ بَيِّنٍ ۖ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا
Sila, na aming pamayanan, ay tumangkilik pa ng ibang diyos upang sambahin maliban pa sa Kanya (Allah). Bakit hindi sila magdala para sa kanila ng isang maliwanag na kapamahalaan? At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na gumagawa ng kasinungalingan laban kay Allah
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
