Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #17 Translated in Filipino

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ نَبَأَهُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّهُمْ فِتْيَةٌ آمَنُوا بِرَبِّهِمْ وَزِدْنَاهُمْ هُدًى
Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) ang kanilang kasaysayan sa katotohanan. Katotohanang sila ay mga kabataang lalaki na sumampalataya sa kanilang Panginoon (Allah), at Aming dinagdagan ang kanilang patnubay
وَرَبَطْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ إِذْ قَامُوا فَقَالُوا رَبُّنَا رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَنْ نَدْعُوَ مِنْ دُونِهِ إِلَٰهًا ۖ لَقَدْ قُلْنَا إِذًا شَطَطًا
At Aming ginawa ang kanilang puso na maging matatag at malakas (na may liwanag ng Pananalig kay Allah at Aming iginawad sa kanila ang pagkamatiisin upang kanilang mabata ang pagiging hiwalay nila sa kanilang mga kamag- anak at tirahan, atbp.), nang sila ay tumindig at nagsabi: “Ang aming Panginoon ay Siyang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, kailanman ay hindi kami tatawag sa anumang diyos maliban lamang sa Kanya; at kung kami ay gumawa ng gayon (paninikluhod sa mga diyus-diyosan), katotohanang kami ay umusal ng isang mabigat na bagay sa kawalan ng pananalig
هَٰؤُلَاءِ قَوْمُنَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ لَوْلَا يَأْتُونَ عَلَيْهِمْ بِسُلْطَانٍ بَيِّنٍ ۖ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا
Sila, na aming pamayanan, ay tumangkilik pa ng ibang diyos upang sambahin maliban pa sa Kanya (Allah). Bakit hindi sila magdala para sa kanila ng isang maliwanag na kapamahalaan? At sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na gumagawa ng kasinungalingan laban kay Allah
وَإِذِ اعْتَزَلْتُمُوهُمْ وَمَا يَعْبُدُونَ إِلَّا اللَّهَ فَأْوُوا إِلَى الْكَهْفِ يَنْشُرْ لَكُمْ رَبُّكُمْ مِنْ رَحْمَتِهِ وَيُهَيِّئْ لَكُمْ مِنْ أَمْرِكُمْ مِرْفَقًا
(Ang mga kabataang lalaki ay nagsabi sa isa’t isa): “At kung kayo ay humiwalay sa kanila at sa kanilang sinasamba maliban pa kay Allah, kung gayon, kayo ay humanap ng kaligtasan sa Yungib, ang inyong Panginoon ay magbubukas ng daan para sa inyo mula sa Kanyang Habag at gagawin Niyang madali sa inyo ang inyong buhay (kalagayan, alalaong baga, Kanyang bibigyan kayo ng inyong ikabubuhay, tirahan, atbp.).”
وَتَرَى الشَّمْسَ إِذَا طَلَعَتْ تَزَاوَرُ عَنْ كَهْفِهِمْ ذَاتَ الْيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَتْ تَقْرِضُهُمْ ذَاتَ الشِّمَالِ وَهُمْ فِي فَجْوَةٍ مِنْهُ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ ۗ مَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَهُوَ الْمُهْتَدِ ۖ وَمَنْ يُضْلِلْ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ وَلِيًّا مُرْشِدًا
At maaaring napagmalas ninyo ang araw, kung ito ay sumikat, na bumababa sa gawing kanan mula sa kanilang Yungib, at kung ito ay lumubog, ay lumalayo ito sa kanila sa gawing kaliwa, habang sila ay nasa gitna ng Yungib. Ito ang (isa) sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, tanda, aral, atbp.) ni Allah. Sinumang patnubayan ni Allah, siya ay tumpak na napapatnubayan; datapuwa’t kung sinuman ang Kanyang iligaw, para sa kanya, kayo ay hindi makakatagpo ng wali (namamatnubay na kaibigan) upang gabayan siya (sa Tuwid na Landas)

Choose other languages: