Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #95 Translated in Filipino

أَوْ تَكُونَ لَكَ جَنَّةٌ مِنْ نَخِيلٍ وَعِنَبٍ فَتُفَجِّرَ الْأَنْهَارَ خِلَالَهَا تَفْجِيرًا
o ikaw ay mayroong halamanan ng punong palmera (datiles) at mga ubas, at mapangyari na ang mga ilog ay magsidaloy sa pagitan nila nang masagana
أَوْ تُسْقِطَ السَّمَاءَ كَمَا زَعَمْتَ عَلَيْنَا كِسَفًا أَوْ تَأْتِيَ بِاللَّهِ وَالْمَلَائِكَةِ قَبِيلًا
o iyong papangyarihin na ang kalangitan (alapaap) ay mahulog ng pira-piraso sa amin na kagaya ng iyong pinaninindigan, o iyong dalhin si Allah at ang mga anghel sa harapan (namin) nang lantad
أَوْ يَكُونَ لَكَ بَيْتٌ مِنْ زُخْرُفٍ أَوْ تَرْقَىٰ فِي السَّمَاءِ وَلَنْ نُؤْمِنَ لِرُقِيِّكَ حَتَّىٰ تُنَزِّلَ عَلَيْنَا كِتَابًا نَقْرَؤُهُ ۗ قُلْ سُبْحَانَ رَبِّي هَلْ كُنْتُ إِلَّا بَشَرًا رَسُولًا
o ikaw ay may isang bahay na napapalamutihan ng mga mahihiyas na bagay (katulad ng pilak at purong ginto, atbp.), o ikaw ay umakyat sa alapaap, at kahit na magkagayon, kami ay hindi mananalig sa iyong pag-akyat hanggang hindi mo ipinapanaog sa amin ang isang aklat na aming mababasa.” Ipagbadya mo (O Muhammad): “Maluwalhati (at Kataas- taasan) ang aking Panginoon (Allah) nang higit sa lahat ng mga kasamaan na kanilang (mga mapagsamba sa diyus- diyosan) itinatambal sa Kanya! Ako ay wala ng iba, maliban na isang tao lamang na isinugo bilang isang Tagapagbalita?”
وَمَا مَنَعَ النَّاسَ أَنْ يُؤْمِنُوا إِذْ جَاءَهُمُ الْهُدَىٰ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَبَعَثَ اللَّهُ بَشَرًا رَسُولًا
At walang anumang makakahadlang sa mga tao sa pananalig kung ang Patnubay ay dumatal sa kanila, maliban na sila ay magsabi: “Si Allah ba ay nagsugo ng isang tao bilang (Kanyang) Tagapagbalita?”
قُلْ لَوْ كَانَ فِي الْأَرْضِ مَلَائِكَةٌ يَمْشُونَ مُطْمَئِنِّينَ لَنَزَّلْنَا عَلَيْهِمْ مِنَ السَّمَاءِ مَلَكًا رَسُولًا
Ipagbadya: “Kung mayroon sa kalupaan na mga anghel na lumilibot sa kapayapaan at kapanatagan, katiyakang Kami ay magpapanaog para sa kanila mula sa langit ng isang anghel bilang isang Tagapagbalita.”

Choose other languages: