Surah Al-Isra Ayahs #33 Translated in Filipino
وَلَا تَجْعَلْ يَدَكَ مَغْلُولَةً إِلَىٰ عُنُقِكَ وَلَا تَبْسُطْهَا كُلَّ الْبَسْطِ فَتَقْعُدَ مَلُومًا مَحْسُورًا
At huwag hayaan ang iyong kamay ay natatalian (na tulad ng isang kuripot) sa iyong leeg, gayundin naman, ay huwag mo itong iunat ng labis (na katulad ng isang waldas), upang ikaw ay mabigyan ng sisi at malagay sa matinding kahirapan
إِنَّ رَبَّكَ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُ كَانَ بِعِبَادِهِ خَبِيرًا بَصِيرًا
Katotohanan, ang iyong Panginoon ang nagpaparami ng panustos na ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan at Siya ang nagpapaunti (sa sinumang Kanyang maibigan). Katotohanang Siya ang Lagi nang Nakakabatid, ang Ganap na Nakakamasid sa Kanyang mga alipin
وَلَا تَقْتُلُوا أَوْلَادَكُمْ خَشْيَةَ إِمْلَاقٍ ۖ نَحْنُ نَرْزُقُهُمْ وَإِيَّاكُمْ ۚ إِنَّ قَتْلَهُمْ كَانَ خِطْئًا كَبِيرًا
At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pangamba ng kahirapan. Kami ang nagkakaloob sa kanila at sa inyo. Katotohanan, ang pagpatay sa kanila ay isang malaking kasalanan
وَلَا تَقْرَبُوا الزِّنَا ۖ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَسَاءَ سَبِيلًا
At huwag kayong lumapit sa hindi pinapahintulutang seksuwal na pakikipagtalik. Katotohanang ito ay isang Fahishah (alalaong baga, anumang lumalagpas sa hangganan ng pagsuway [isang malaking kasalanan]), at isang masamang daan (na nagbubunsod sa sinuman sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ni Allah)
وَلَا تَقْتُلُوا النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ ۗ وَمَنْ قُتِلَ مَظْلُومًا فَقَدْ جَعَلْنَا لِوَلِيِّهِ سُلْطَانًا فَلَا يُسْرِفْ فِي الْقَتْلِ ۖ إِنَّهُ كَانَ مَنْصُورًا
At huwag ninyong patayin ang sinuman na ipinagbabawal ni Allah, malibang ito ay sa makatarungang paraan. At kung sinuman ang napatay (nang sinasadya na may pagkagalit at pang-aapi at hindi sa kamalian), Aming binigyan ang kanyang tagapagmana ng kapamahalaan (na humingi ng Qisas [batas ng pagkakapantay-pantay sa paggagawad ng kaparusahan], o ang magpatawad, o tumanggap ng Diya [salaping bayad sa dugo o kamatayan]). Datapuwa’t huwag siyang hayaan na lumampas sa hangganan, sa bagay (o kapamahalaan) nang pagkitil ng buhay (alalaong baga, huwag siyang pumatay, maliban sa mamatay-tao lamang). Katotohanang siya ay lilingapin (ng ayon sa batas Islamiko)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
