Surah Al-Isra Ayahs #36 Translated in Filipino
وَلَا تَقْرَبُوا الزِّنَا ۖ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَسَاءَ سَبِيلًا
At huwag kayong lumapit sa hindi pinapahintulutang seksuwal na pakikipagtalik. Katotohanang ito ay isang Fahishah (alalaong baga, anumang lumalagpas sa hangganan ng pagsuway [isang malaking kasalanan]), at isang masamang daan (na nagbubunsod sa sinuman sa Impiyerno malibang siya ay patawarin ni Allah)
وَلَا تَقْتُلُوا النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ ۗ وَمَنْ قُتِلَ مَظْلُومًا فَقَدْ جَعَلْنَا لِوَلِيِّهِ سُلْطَانًا فَلَا يُسْرِفْ فِي الْقَتْلِ ۖ إِنَّهُ كَانَ مَنْصُورًا
At huwag ninyong patayin ang sinuman na ipinagbabawal ni Allah, malibang ito ay sa makatarungang paraan. At kung sinuman ang napatay (nang sinasadya na may pagkagalit at pang-aapi at hindi sa kamalian), Aming binigyan ang kanyang tagapagmana ng kapamahalaan (na humingi ng Qisas [batas ng pagkakapantay-pantay sa paggagawad ng kaparusahan], o ang magpatawad, o tumanggap ng Diya [salaping bayad sa dugo o kamatayan]). Datapuwa’t huwag siyang hayaan na lumampas sa hangganan, sa bagay (o kapamahalaan) nang pagkitil ng buhay (alalaong baga, huwag siyang pumatay, maliban sa mamatay-tao lamang). Katotohanang siya ay lilingapin (ng ayon sa batas Islamiko)
وَلَا تَقْرَبُوا مَالَ الْيَتِيمِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُ ۚ وَأَوْفُوا بِالْعَهْدِ ۖ إِنَّ الْعَهْدَ كَانَ مَسْئُولًا
At huwag kayong lumapit (ng may pag-iimbot) sa ari-arian ng ulila maliban na ito ay inyong palaguin, hanggang sa sapitin niya ang tamang gulang at lakas. At inyong tuparin (ang bawat) kasunduan. Katotohanan, ang kasunduan ay tatanungin (sa gayong bagay)
وَأَوْفُوا الْكَيْلَ إِذَا كِلْتُمْ وَزِنُوا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيمِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا
At magbigay ng tamang sukat (o timbang) kung kayo ay sumusukat, at magtimbang sa timbangan na walang daya. Ito ay mabuti (at kapakinabangan) at sa huli ay higit na mainam
وَلَا تَقْفُ مَا لَيْسَ لَكَ بِهِ عِلْمٌ ۚ إِنَّ السَّمْعَ وَالْبَصَرَ وَالْفُؤَادَ كُلُّ أُولَٰئِكَ كَانَ عَنْهُ مَسْئُولًا
At huwag mong sundin (o tao, alalaong baga, huwag kang mangusap, o huwag kang sumaksi, o huwag kang mangatawan, atbp.) sa bagay na wala kang kaalaman (halimbawa, ang pagsasabi ng “Aking nakita,” samantalang sa katotohanan ay hindi niya nakita, o “Aking narinig,” datapuwa’t hindi niya narinig). Katotohanan, ang pandinig, ang paningin, ang puso, ang bawat isa sa kanila ay tatanungin (ni Allah)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
