Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #29 Translated in Filipino

رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا فِي نُفُوسِكُمْ ۚ إِنْ تَكُونُوا صَالِحِينَ فَإِنَّهُ كَانَ لِلْأَوَّابِينَ غَفُورًا
Ang inyong Panginoon ang nakakaalam kung ano ang nasa kaibuturan (ng inyong sarili). Kung kayo ay matuwid, kung gayon, katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad sa mga bumabaling sa Kanya nang paulit-ulit, sa pagsunod at sa pagtitika
وَآتِ ذَا الْقُرْبَىٰ حَقَّهُ وَالْمِسْكِينَ وَابْنَ السَّبِيلِ وَلَا تُبَذِّرْ تَبْذِيرًا
At inyong ibigay sa kamag-anak ang sa kanila ay nalalaan at sa Miskin (mga mahihirap na nagpapalimos) at sa mga naliligaw sa paglalakbay. Datapuwa’t huwag ninyong gugulin (ang inyong kayamanan) ng walang kapararakan (o maging kuripot)
إِنَّ الْمُبَذِّرِينَ كَانُوا إِخْوَانَ الشَّيَاطِينِ ۖ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِرَبِّهِ كَفُورًا
Katotohanan, ang mapagwaldas (ng walang kapararakan) ay mga kapatid ng mga demonyo, at ang demonyo (si Satanas) ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat sa kanyang Panginoon
وَإِمَّا تُعْرِضَنَّ عَنْهُمُ ابْتِغَاءَ رَحْمَةٍ مِنْ رَبِّكَ تَرْجُوهَا فَقُلْ لَهُمْ قَوْلًا مَيْسُورًا
At kung ikaw (o Muhammad) ay tumalikod sa kanila (kamag-anak, mahihirap, naglalakbay, atbp., at ikaw ay Aming pinag- utusan na ibigay ang kanilang mga karapatan, datapuwa’t kung ikaw ay walang salapi sa sandali ng kanilang paghingi rito), at ikaw ay naghihintay ng habag mula sa iyong Panginoon na rito ay iyong inaasam, kung gayon, ikaw ay mangusap sa kanila nang mabanayad (alalaong baga, si Allah ay magkakaloob sa akin, at ako ay magbibigay sa inyo)
وَلَا تَجْعَلْ يَدَكَ مَغْلُولَةً إِلَىٰ عُنُقِكَ وَلَا تَبْسُطْهَا كُلَّ الْبَسْطِ فَتَقْعُدَ مَلُومًا مَحْسُورًا
At huwag hayaan ang iyong kamay ay natatalian (na tulad ng isang kuripot) sa iyong leeg, gayundin naman, ay huwag mo itong iunat ng labis (na katulad ng isang waldas), upang ikaw ay mabigyan ng sisi at malagay sa matinding kahirapan

Choose other languages: