Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #28 Translated in Filipino

وَاخْفِضْ لَهُمَا جَنَاحَ الذُّلِّ مِنَ الرَّحْمَةِ وَقُلْ رَبِّ ارْحَمْهُمَا كَمَا رَبَّيَانِي صَغِيرًا
At iyong ibaba para sa kanila ang pakpak ng pagsunod at kapakumbabaan sa pamamagitan ng habag, at magsabi: “Aking Panginoon! Igawad Ninyo sa kanila ang Inyong Habag sapagkat sila ang nag-aruga sa akin nang ako ay batang paslit pa.”
رَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَا فِي نُفُوسِكُمْ ۚ إِنْ تَكُونُوا صَالِحِينَ فَإِنَّهُ كَانَ لِلْأَوَّابِينَ غَفُورًا
Ang inyong Panginoon ang nakakaalam kung ano ang nasa kaibuturan (ng inyong sarili). Kung kayo ay matuwid, kung gayon, katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad sa mga bumabaling sa Kanya nang paulit-ulit, sa pagsunod at sa pagtitika
وَآتِ ذَا الْقُرْبَىٰ حَقَّهُ وَالْمِسْكِينَ وَابْنَ السَّبِيلِ وَلَا تُبَذِّرْ تَبْذِيرًا
At inyong ibigay sa kamag-anak ang sa kanila ay nalalaan at sa Miskin (mga mahihirap na nagpapalimos) at sa mga naliligaw sa paglalakbay. Datapuwa’t huwag ninyong gugulin (ang inyong kayamanan) ng walang kapararakan (o maging kuripot)
إِنَّ الْمُبَذِّرِينَ كَانُوا إِخْوَانَ الشَّيَاطِينِ ۖ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِرَبِّهِ كَفُورًا
Katotohanan, ang mapagwaldas (ng walang kapararakan) ay mga kapatid ng mga demonyo, at ang demonyo (si Satanas) ay lagi nang walang utang na loob ng pasasalamat sa kanyang Panginoon
وَإِمَّا تُعْرِضَنَّ عَنْهُمُ ابْتِغَاءَ رَحْمَةٍ مِنْ رَبِّكَ تَرْجُوهَا فَقُلْ لَهُمْ قَوْلًا مَيْسُورًا
At kung ikaw (o Muhammad) ay tumalikod sa kanila (kamag-anak, mahihirap, naglalakbay, atbp., at ikaw ay Aming pinag- utusan na ibigay ang kanilang mga karapatan, datapuwa’t kung ikaw ay walang salapi sa sandali ng kanilang paghingi rito), at ikaw ay naghihintay ng habag mula sa iyong Panginoon na rito ay iyong inaasam, kung gayon, ikaw ay mangusap sa kanila nang mabanayad (alalaong baga, si Allah ay magkakaloob sa akin, at ako ay magbibigay sa inyo)

Choose other languages: