Surah Al-Hajj Ayahs #10 Translated in Filipino
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّهُ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَأَنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ito’y sapagkat si Allah, Siya ang Katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng buhay sa patay, at Siya ang Nakakagawa ng lahat ng bagay
وَأَنَّ السَّاعَةَ آتِيَةٌ لَا رَيْبَ فِيهَا وَأَنَّ اللَّهَ يَبْعَثُ مَنْ فِي الْقُبُورِ
At katotohanan, ang oras ay daratal, walang alinlangan tungkol dito, at katiyakan, na si Allah ay magpapabangon sa mga nasa libingan
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ
At sa karamihan ng mga tao ay mayroong nakikipagtalo tungkol kay Allah, ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na nagbibigay liwanag (mula kay Allah)
ثَانِيَ عِطْفِهِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ لَهُ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَنُذِيقُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَذَابَ الْحَرِيقِ
Na naglilingon ng kanyang leeg sa kapalaluan (na malayo sa Landas ni Allah), at namumuno (sa iba) na (higit) na mapaligaw nang malayo sa Landas ni Allah. Sa kanya ay mayroong kahihiyan sa buhay sa mundong ito, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Aming ipapalasap sa kanya ang sakit ng nagliliyab (na Apoy)
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدَاكَ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ
Ito’y dahilan sa mga idinulot (ginawa) ng iyong mga kamay, at katotohanang si Allah ay makatarungan sa Kanyang mga alipin
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
