Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #11 Translated in Filipino

وَأَنَّ السَّاعَةَ آتِيَةٌ لَا رَيْبَ فِيهَا وَأَنَّ اللَّهَ يَبْعَثُ مَنْ فِي الْقُبُورِ
At katotohanan, ang oras ay daratal, walang alinlangan tungkol dito, at katiyakan, na si Allah ay magpapabangon sa mga nasa libingan
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ
At sa karamihan ng mga tao ay mayroong nakikipagtalo tungkol kay Allah, ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na nagbibigay liwanag (mula kay Allah)
ثَانِيَ عِطْفِهِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ لَهُ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَنُذِيقُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَذَابَ الْحَرِيقِ
Na naglilingon ng kanyang leeg sa kapalaluan (na malayo sa Landas ni Allah), at namumuno (sa iba) na (higit) na mapaligaw nang malayo sa Landas ni Allah. Sa kanya ay mayroong kahihiyan sa buhay sa mundong ito, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Aming ipapalasap sa kanya ang sakit ng nagliliyab (na Apoy)
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدَاكَ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ
Ito’y dahilan sa mga idinulot (ginawa) ng iyong mga kamay, at katotohanang si Allah ay makatarungan sa Kanyang mga alipin
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَعْبُدُ اللَّهَ عَلَىٰ حَرْفٍ ۖ فَإِنْ أَصَابَهُ خَيْرٌ اطْمَأَنَّ بِهِ ۖ وَإِنْ أَصَابَتْهُ فِتْنَةٌ انْقَلَبَ عَلَىٰ وَجْهِهِ خَسِرَ الدُّنْيَا وَالْآخِرَةَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْخُسْرَانُ الْمُبِينُ
At sa lipon ng mga tao ay may mga sumasamba kay Allah nang gayon, na nasa sa gilid (ng pag-aalinlangan), kung ang mabuting kalusugan ay nasa kanya, siya ay nasisiyahan na rito, datapuwa’t kung ang pagsubok ay dumatal sa kanya, ang kanyang mukha ay tumitingin nang patalikod (alalaong baga, bumalik sa kawalan ng pananampalataya pagkatapos na yumakap sa Islam). Siya ay kapwa nawalan (ng buhay) sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Ito ang lantad na pagkatalo

Choose other languages: