Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #66 Translated in Filipino

ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ هُوَ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ
Ito ay dahil si Allah, - Siya ang Katotohanan (ang tunay na diyos lamang ng lahat ng mga nilalang, na Siya ay walang katambal o karibal sa Kanya), at ang anupamang itinatambal nila (ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan) sa Kanya, ito ay Batil (kasinungalingan at kabulaanan). At katotohanang si Allah, - Siya ang Pinakamataas, ang Pinakadakila
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَتُصْبِحُ الْأَرْضُ مُخْضَرَّةً ۗ إِنَّ اللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٌ
Hindi baga ninyo namamasdan na si Allah ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap, at (dahil dito) ang kalupaan ay naging luntian? Katotohanang si Allah ang Pinakamabait at Pinakamatulungin, ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ng bagay
لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَإِنَّ اللَّهَ لَهُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ
Siya ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at kalupaan. At katotohanang si Allah, - Siya ay Sagana (walang pangangailangan sa anuman), ang Karapat-dapat sa mga Papuri
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ سَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي الْأَرْضِ وَالْفُلْكَ تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِأَمْرِهِ وَيُمْسِكُ السَّمَاءَ أَنْ تَقَعَ عَلَى الْأَرْضِ إِلَّا بِإِذْنِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِالنَّاسِ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ
Hindi baga ninyo namamasdan (o sangkatauhan) na ipinailalim sa inyo ni Allah ang lahat ng nasa kalupaan, at sa mga barko na naglalayag sa dagat sa pamamagitan ng Kanyang Pag-uutos? Sinusuhayan Niya ang kalangitan na huwag bumagsak sa kalupaan, malibang Kanyang pahintulutan. Katotohanang si Allah sa Sangkatauhan ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain
وَهُوَ الَّذِي أَحْيَاكُمْ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ۗ إِنَّ الْإِنْسَانَ لَكَفُورٌ
Siya ang naggawad sa inyo ng buhay, at Siya ang magbibigay sa inyo ng kamatayan, at muli ay bubuhay sa inyo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay). Katotohanan, ang tao ay tunay na walang pagtanaw ng pasasalamat

Choose other languages: