Surah Al-Hajj Ayahs #31 Translated in Filipino
وَأَذِّنْ فِي النَّاسِ بِالْحَجِّ يَأْتُوكَ رِجَالًا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٍ يَأْتِينَ مِنْ كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٍ
At ipagbadya sa sangkatauhan ang Hajj (Pilgrimahe). Sila ay daratal sa iyo sa kanilang mga paa at (nakasakay) sa bawat balingkinitang kamelyo, sila ay manggagaling sa bawat malalim at malayo (maluwang) na daang bulubundukin (upang mag-alay ng Hajj)
لِيَشْهَدُوا مَنَافِعَ لَهُمْ وَيَذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ فِي أَيَّامٍ مَعْلُومَاتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُمْ مِنْ بَهِيمَةِ الْأَنْعَامِ ۖ فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْبَائِسَ الْفَقِيرَ
Upang kanilang mamalas ang mga bagay na may kapakinabangan sa kanila (alalaong baga, ang gantimpala ng Hajj sa Kabilang Buhay, gayundin sa ilang makamundong pakinabang tulad ng pagtitinda, kalakal, atbp.), at banggitin ang pangalan ni Allah sa mga itinakdang araw (alalaong baga, sa ika 10, 11, 12, 13 ng Dhul Hijja), sa ibabaw (o harapan) ng mga hayop na Kanyang ipinagkaloob sa kanila (para sa sakripisyo), sa oras nang kanilang pagkatay na nagsasabi: (Bismillah, wallahu Akbar, Allahumma Minka wa Ilaik). At magsikain kayo rito at pakainin ang mga mahihirap na naghihikahos
ثُمَّ لْيَقْضُوا تَفَثَهُمْ وَلْيُوفُوا نُذُورَهُمْ وَلْيَطَّوَّفُوا بِالْبَيْتِ الْعَتِيقِ
At hayaan nilang buuin ang mga nakatalagang tungkulin (Manasik ng Hajj) sa kanila, at isagawa ang kanilang pangako (mga ritwal), at magsiikot sa Sinaunang Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah)
ذَٰلِكَ وَمَنْ يُعَظِّمْ حُرُمَاتِ اللَّهِ فَهُوَ خَيْرٌ لَهُ عِنْدَ رَبِّهِ ۗ وَأُحِلَّتْ لَكُمُ الْأَنْعَامُ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ ۖ فَاجْتَنِبُوا الرِّجْسَ مِنَ الْأَوْثَانِ وَاجْتَنِبُوا قَوْلَ الزُّورِ
Ang Manasik na ito (ang mga nakatalagang tungkulin sa Hajj ay isang obligasyon na utang ng mga tao kay Allah), at kung sinuman ang magparangal sa mga banal na bagay ni Allah, ito ay higit na mabuti sa kanya sa paningin ng kanyang Panginoon. Ang mga hayop ay pinahihintulutan sa inyo, maliban sa mga babanggitin sa inyo (na hindi kasali). Kaya’t talikdan ninyo ang karumal-dumal (ang pagsamba sa mga diyus-diyosan) at talikdan ang kasinungalingan (mga huwad na pangungusap)
حُنَفَاءَ لِلَّهِ غَيْرَ مُشْرِكِينَ بِهِ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ السَّمَاءِ فَتَخْطَفُهُ الطَّيْرُ أَوْ تَهْوِي بِهِ الرِّيحُ فِي مَكَانٍ سَحِيقٍ
Hunafa Lillah (alalaong baga, ang sumamba ng wala ng iba kundi kay Allah), at hindi pagtatambal ng kasama sa Kanya (sa pagsamba) at sinumang magtalaga ng katambal kayAllah, ang makakatulad niya ay wari bang siya ay nahulog sa alapaap (kaitaasan), at ang mga ibon ay umagaw sa kanya, o ang hangin ay nagtapon sa kanya sa isang malayong lugar
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
