Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #24 Translated in Filipino

يُصْهَرُ بِهِ مَا فِي بُطُونِهِمْ وَالْجُلُودُ
Sa pamamagitan nito ay malulusaw o maglalaho ang anumang nasa loob ng kanilang tiyan, gayundin ang (kanilang) balat
وَلَهُمْ مَقَامِعُ مِنْ حَدِيدٍ
At sa kanila ay (ipangpaparusa) ang mga piraso ng tuwid na bakal na may sima
كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا مِنْ غَمٍّ أُعِيدُوا فِيهَا وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ
Sa bawat oras na naisin nilang makawala rito, dahil sa pagkahapis, sila ay mulang itataboy dito, at sa kanila ay ipagbabadya: “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng pagkasunog!”
إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ
Katotohanang si Allah ay tatanggap sa mga nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan, sa mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (sa Paraiso), rito sila ay papalamutihan ng mga pulseras na gawa sa ginto at perlas at ang kanilang magiging kasuotan dito ay sutla
وَهُدُوا إِلَى الطَّيِّبِ مِنَ الْقَوْلِ وَهُدُوا إِلَىٰ صِرَاطِ الْحَمِيدِ
At sila ay napapatnubayan (sa mundong ito) tungo sa isang magandang pangungusap (tulad ng La ilaha ill Allah, Alhamdullilah, pagdalit ng Qur’an, atbp.) at sila ay napapatnubayan sa Kanyang Landas (sa relihiyon ni Allah at sa Kanyang Kaisahan), na Siya (lamang) ang karapat- dapat na pag-ukulan ng lahat ng mga Pagpupuri

Choose other languages: