Surah Al-Hajj Ayahs #26 Translated in Filipino
كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا مِنْ غَمٍّ أُعِيدُوا فِيهَا وَذُوقُوا عَذَابَ الْحَرِيقِ
Sa bawat oras na naisin nilang makawala rito, dahil sa pagkahapis, sila ay mulang itataboy dito, at sa kanila ay ipagbabadya: “Lasapin ninyo ang kaparusahan ng pagkasunog!”
إِنَّ اللَّهَ يُدْخِلُ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَلُؤْلُؤًا ۖ وَلِبَاسُهُمْ فِيهَا حَرِيرٌ
Katotohanang si Allah ay tatanggap sa mga nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan, sa mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (sa Paraiso), rito sila ay papalamutihan ng mga pulseras na gawa sa ginto at perlas at ang kanilang magiging kasuotan dito ay sutla
وَهُدُوا إِلَى الطَّيِّبِ مِنَ الْقَوْلِ وَهُدُوا إِلَىٰ صِرَاطِ الْحَمِيدِ
At sila ay napapatnubayan (sa mundong ito) tungo sa isang magandang pangungusap (tulad ng La ilaha ill Allah, Alhamdullilah, pagdalit ng Qur’an, atbp.) at sila ay napapatnubayan sa Kanyang Landas (sa relihiyon ni Allah at sa Kanyang Kaisahan), na Siya (lamang) ang karapat- dapat na pag-ukulan ng lahat ng mga Pagpupuri
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ وَالْمَسْجِدِ الْحَرَامِ الَّذِي جَعَلْنَاهُ لِلنَّاسِ سَوَاءً الْعَاكِفُ فِيهِ وَالْبَادِ ۚ وَمَنْ يُرِدْ فِيهِ بِإِلْحَادٍ بِظُلْمٍ نُذِقْهُ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ
Katotohanan, sila na mga hindi sumasampalataya at humahadlang (sa mga tao) tungo sa Landas ni Allah, at sa Masjid Al Haram (sa Makkah) na ginawa Naming bukas sa (lahat) ng mga tao, at sa naninirahan dito at sa panauhin mula sa bansa ay magkapantay dito (kung tungkol sa kabanalan ng Hajj at Umra). At sinumang kumiling sa gawang masama rito o gumawa ng kamalian (alalaong baga, ang sumamba sa mga diyus-diyosan at talikuran ang Islam at Kaisahan ni Allah), ay hahayaan Naming lasapin niya ang masakit na kaparusahan
وَإِذْ بَوَّأْنَا لِإِبْرَاهِيمَ مَكَانَ الْبَيْتِ أَنْ لَا تُشْرِكْ بِي شَيْئًا وَطَهِّرْ بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْقَائِمِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ
At (alalahanin) nang Aming ipamalas kay Abraham ang lugar (ng Banal) na Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah) na (nagsasabi): “Huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Akin, [La ilaha ill Allah] (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah), at pakabanalin ninyo ang Aking Tahanan tungo sa kanila na mga nagsisiikot dito, at sa mga nagsisitindig sa pagdalangin, at sa mga yumuyukod (sa kapakumbabaan at pagtalima), at nagpapatirapa (sa pagdalangin, atbp.).”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
