Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hadid Ayahs #25 Translated in Filipino

سَابِقُوا إِلَىٰ مَغْفِرَةٍ مِنْ رَبِّكُمْ وَجَنَّةٍ عَرْضُهَا كَعَرْضِ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ أُعِدَّتْ لِلَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ ذُو الْفَضْلِ الْعَظِيمِ
Bigyang pansin ninyo (ang paghahanap) ng Kapatawaran mula sa inyong Panginoon (Allah) at tungo sa Halamanan ng Kaligayahan (Paraiso) na ang lapad nito ay kasinglawak ng kalangitan at kalupaan na inihanda sa mga sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Ito ang Biyaya ni Allah na ipinagkaloob Niya sa sinumang Kanyang maibigan, at si Allah ang Panginoon ng mga Biyayang walang Pagmamaliw
مَا أَصَابَ مِنْ مُصِيبَةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي أَنْفُسِكُمْ إِلَّا فِي كِتَابٍ مِنْ قَبْلِ أَنْ نَبْرَأَهَا ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ
walang masamang pangyayari ang magaganap dito sa kalupaan at sa inyong sarili (kaluluwa), maliban na ito ay naitala sa Aklat ng Kautusan (Al Lauh Al Mahfuz), bago pa Namin pinapangyari ang lahat sa paglikha. Katotohanang ito ay lubhang magaan kay Allah (alalaong baga, ang manalig sa maka-diyos na pagtatakda, ang Qadar)
لِكَيْلَا تَأْسَوْا عَلَىٰ مَا فَاتَكُمْ وَلَا تَفْرَحُوا بِمَا آتَاكُمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخْتَالٍ فَخُورٍ
Upang kayo ay hindi mahapis sa mga bagay na nabigo ninyong kamtin, gayundin naman, ay huwag maging mapagmataas sa mga biyayang ipinagkaloob sa inyo. At si Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamagaling sa pagyayabang
الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ ۗ وَمَنْ يَتَوَلَّ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَنِيُّ الْحَمِيدُ
(At sila) na mga tao na mapagnasa (at gahaman) at nagtutulak ng pagnanasa (at pagkagahaman) sa mga tao (si Allah ay hindi nangangailangan ng kanilang tulong). At sinuman ang tumalikod (sa Pananalig at Landas ni Allah), katotohanang si Allah ay Tigib ng Kasaganaan (walang pangangailangan), at Karapat-dapat sa Lahat ng Pagpupuri
لَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلَنَا بِالْبَيِّنَاتِ وَأَنْزَلْنَا مَعَهُمُ الْكِتَابَ وَالْمِيزَانَ لِيَقُومَ النَّاسُ بِالْقِسْطِ ۖ وَأَنْزَلْنَا الْحَدِيدَ فِيهِ بَأْسٌ شَدِيدٌ وَمَنَافِعُ لِلنَّاسِ وَلِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَنْصُرُهُ وَرُسُلَهُ بِالْغَيْبِ ۚ إِنَّ اللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٌ
Katotohanang isinugo Namin (noon pa) ang Aming mga Tagapagbalita na may Maliwanag na mga Katibayan, at ipinadala Namin sa kanila ang Kasulatan at Timbangan (ng Matuwid at Mali), upang ang mga tao ay magsitindig sa katarungan. At inilabas namin ang Bakal, na naririto ang malaking lakas (sa mga bagay ng pakikipaglaban), gayundin naman ng maraming kapakinabangan sa sangkatauhan, upang masubukan ni Allah kung sino ang tutulong ng lingid sa Kanya (sa Kanyang Relihiyon), at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Katotohanang si Allah ay Ganap na Makapangyarihan, ang Mataas sa Kapamahalaan

Choose other languages: