Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #39 Translated in Filipino

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَا مَعَهُ أَخَاهُ هَارُونَ وَزِيرًا
At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises ang Kasulatan (Torah, ang mga Batas), at itinadhana Namin ang kanyang kapatid na si Aaron bilang kanyang katuwang
فَقُلْنَا اذْهَبَا إِلَى الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَدَمَّرْنَاهُمْ تَدْمِيرًا
At Kami ay nagwika: “Kayo ay kapwa pumaroon sa mga tao na nagsipagtakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, talata, tanda, aral, atbp.). At pagkatapos ay Aming winasak sila ng matinding pagkawasak
وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا
At ang pamayanan (mga tao) ni Noe, nang sila ay magtakwil sa mga Tagapagbalita, Aming nilunod sila, at sila ay ginawa Namin na isang Tanda para sa sangkatauhan. At inihanda Namin ang isang kasakit-sakit na kaparusahan sa Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)
وَعَادًا وَثَمُودَ وَأَصْحَابَ الرَّسِّ وَقُرُونًا بَيْنَ ذَٰلِكَ كَثِيرًا
At (gayundin) si A’ad at Thamud, at ang mga nagsisipanahan sa Ar-Rass, at marami pang sali’t saling lahi sa (kanilang) pagitan
وَكُلًّا ضَرَبْنَا لَهُ الْأَمْثَالَ ۖ وَكُلًّا تَبَّرْنَا تَتْبِيرًا
At sa bawat isa sa kanila ay itinambad Namin ang mga halimbawa (bilang mga katibayan at aral, atbp.) at ang bawat isa (sa kanila) ay Aming inihantong sa ganap na pagkawasak (dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya at gawaing masasama)

Choose other languages: