Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #42 Translated in Filipino

وَعَادًا وَثَمُودَ وَأَصْحَابَ الرَّسِّ وَقُرُونًا بَيْنَ ذَٰلِكَ كَثِيرًا
At (gayundin) si A’ad at Thamud, at ang mga nagsisipanahan sa Ar-Rass, at marami pang sali’t saling lahi sa (kanilang) pagitan
وَكُلًّا ضَرَبْنَا لَهُ الْأَمْثَالَ ۖ وَكُلًّا تَبَّرْنَا تَتْبِيرًا
At sa bawat isa sa kanila ay itinambad Namin ang mga halimbawa (bilang mga katibayan at aral, atbp.) at ang bawat isa (sa kanila) ay Aming inihantong sa ganap na pagkawasak (dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya at gawaing masasama)
وَلَقَدْ أَتَوْا عَلَى الْقَرْيَةِ الَّتِي أُمْطِرَتْ مَطَرَ السَّوْءِ ۚ أَفَلَمْ يَكُونُوا يَرَوْنَهَا ۚ بَلْ كَانُوا لَا يَرْجُونَ نُشُورًا
At katotohanang sila ay nagdaan sa bayan (ni Propeta Lut), kung saan umulan ng masamang ulan. Hindi baga nakikita ito ng (mga walang pananampalataya) [sa pamamagitan ng kanilang mga mata]? Hindi! Datapuwa’t sila ay sanay na, na hindi umaasa sa anumang Muling Pagkabuhay
وَإِذَا رَأَوْكَ إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي بَعَثَ اللَّهُ رَسُولًا
Atkungikaw(o Muhammad) aykanilangnakikita, ikaw ay kanilang itinuturing lamang bilang isang katatawanan (na nagsasabi): “Ito baga siya na isinugo ni Allah bilang isang Tagapagbalita?”
إِنْ كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنْ آلِهَتِنَا لَوْلَا أَنْ صَبَرْنَا عَلَيْهَا ۚ وَسَوْفَ يَعْلَمُونَ حِينَ يَرَوْنَ الْعَذَابَ مَنْ أَضَلُّ سَبِيلًا
“Halos malapit na niya tayong nailihis sa ating aliah (mga diyos), kung hindi lamang tayo naging matiyaga at matiim sa ating pagsamba sa kanila!” At kung makita na nila ang kaparusahan, kanilang mapag-aalaman kung sino ang higit na napaligaw sa (Tamang) Landas

Choose other languages: