Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #30 Translated in Filipino

الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ لِلرَّحْمَٰنِ ۚ وَكَانَ يَوْمًا عَلَى الْكَافِرِينَ عَسِيرًا
Ang Kapamahalaan sa Araw na yaon ay ang tunay (na Kapamahalaan) na natatangi lamang sa Pinakamapagbigay (Allah), at ito ay magiging mahirap na Araw sa mga hindi sumasampalataya (sila na hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam)
وَيَوْمَ يَعَضُّ الظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيْهِ يَقُولُ يَا لَيْتَنِي اتَّخَذْتُ مَعَ الرَّسُولِ سَبِيلًا
At (alalahanin) ang Araw kung ang Zalim (buhong, buktot, pagano, atbp.) ay kakagat sa kanyang mga kamay, (at) siya ay magsasabi: “oh! Sana ay tumuntong ako sa landas ng Tagapagbalita (Muhammad)!”
يَا وَيْلَتَىٰ لَيْتَنِي لَمْ أَتَّخِذْ فُلَانًا خَلِيلًا
“Ah! Kasawian sa akin! Sana, kahit na kailan, ay hindi ko itinuring ang kung sinu-sino lamang bilang isang kaibigan!”
لَقَدْ أَضَلَّنِي عَنِ الذِّكْرِ بَعْدَ إِذْ جَاءَنِي ۗ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِلْإِنْسَانِ خَذُولًا
“Katotohanang siya ang umakay sa akin na mapaligaw sa Paala-ala (ang Qur’an) matapos na ito ay dumatal sa akin. At si Satanas ay lagi nang hindi maaasahan ng tao sa sandali ng pangangailangan.”
وَقَالَ الرَّسُولُ يَا رَبِّ إِنَّ قَوْمِي اتَّخَذُوا هَٰذَا الْقُرْآنَ مَهْجُورًا
At ang Tagapagbalita (Muhammad) ay magsasabi: “O aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay lumayo rito sa Qur’an (sila ay hindi nakinig dito, at hindi rin gumawa ng ayon sa mga batas at pag- uutos nito)

Choose other languages: