Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #32 Translated in Filipino

يَا وَيْلَتَىٰ لَيْتَنِي لَمْ أَتَّخِذْ فُلَانًا خَلِيلًا
“Ah! Kasawian sa akin! Sana, kahit na kailan, ay hindi ko itinuring ang kung sinu-sino lamang bilang isang kaibigan!”
لَقَدْ أَضَلَّنِي عَنِ الذِّكْرِ بَعْدَ إِذْ جَاءَنِي ۗ وَكَانَ الشَّيْطَانُ لِلْإِنْسَانِ خَذُولًا
“Katotohanang siya ang umakay sa akin na mapaligaw sa Paala-ala (ang Qur’an) matapos na ito ay dumatal sa akin. At si Satanas ay lagi nang hindi maaasahan ng tao sa sandali ng pangangailangan.”
وَقَالَ الرَّسُولُ يَا رَبِّ إِنَّ قَوْمِي اتَّخَذُوا هَٰذَا الْقُرْآنَ مَهْجُورًا
At ang Tagapagbalita (Muhammad) ay magsasabi: “O aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay lumayo rito sa Qur’an (sila ay hindi nakinig dito, at hindi rin gumawa ng ayon sa mga batas at pag- uutos nito)
وَكَذَٰلِكَ جَعَلْنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوًّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ ۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيًا وَنَصِيرًا
Kaya’t ginawa Namin sa bawat Propeta ang isang kaaway sa lipon ng Mujrimun (mga buhong, buktot, pagano, atbp.). Datapuwa’t Sapat na ang inyong Panginoon bilang isang Tagapamatnubay at Kawaksi
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ الْقُرْآنُ جُمْلَةً وَاحِدَةً ۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِ فُؤَادَكَ ۖ وَرَتَّلْنَاهُ تَرْتِيلًا
At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Bakit kaya ang Qur’an ay hindi ipinahayag sa kanya sa kabuuan at minsanan lamang? Tunay ngang gayon (na ito ay ipinanaog ng baha-bahagi) upang Aming mapatibay ang iyong puso. At ito ay ipinahayag Namin sa iyo nang unti-unti, sa maraming antas. (Ito ay ipinahayag sa Propeta sa loob ng 23 taon)

Choose other languages: