Surah Al-Furqan Ayahs #26 Translated in Filipino
يَوْمَ يَرَوْنَ الْمَلَائِكَةَ لَا بُشْرَىٰ يَوْمَئِذٍ لِلْمُجْرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجْرًا مَحْجُورًا
Sa Araw na kanilang mamamalas ang mga anghel, - walang masayang balita ang ihahatid doon sa Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp.) sa araw na yaon. At sila (ang mga anghel) ay magsasabi: “Ang lahat ng magagandang balita ay ipinagbabawal sa inyo.” (walang sinuman ang pahihintulutang makapasok sa Paraiso maliban sa kanya na nagsasabi ng: La ilaha ill Allah [wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah], at matimyas na nagsagawa ng [kanyang] mga legal na pag-uutos at tungkulin
وَقَدِمْنَا إِلَىٰ مَا عَمِلُوا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنَاهُ هَبَاءً مَنْثُورًا
At itatambad Namin sa kanila (sa mga hindi sumasampalataya, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ang anumang kanilang ginawa, at gagawin Namin ang mga gawaing yaon na tulad ng nagkalat (at) nakalutang na mga bahagi ng alikabok (dumi)
أَصْحَابُ الْجَنَّةِ يَوْمَئِذٍ خَيْرٌ مُسْتَقَرًّا وَأَحْسَنُ مَقِيلًا
Ang mga maninirahan sa Paraiso (alalaong baga, sila na nararapat na pagkalooban nito dahilan sa kanilang Pananalig at kabutihan) ay magkakaroon sa Araw na yaon ng pinakamabuting pananahanan, at may pinakamainam na lugar upang pagpahingalayan
وَيَوْمَ تَشَقَّقُ السَّمَاءُ بِالْغَمَامِ وَنُزِّلَ الْمَلَائِكَةُ تَنْزِيلًا
At (alalahanin) ang Araw, kung ang kalangitan ay mahati sa gitna na may kasamang mga ulap, at ang mga anghel ay pabababain, sa maringal na pagpanaog
الْمُلْكُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ لِلرَّحْمَٰنِ ۚ وَكَانَ يَوْمًا عَلَى الْكَافِرِينَ عَسِيرًا
Ang Kapamahalaan sa Araw na yaon ay ang tunay (na Kapamahalaan) na natatangi lamang sa Pinakamapagbigay (Allah), at ito ay magiging mahirap na Araw sa mga hindi sumasampalataya (sila na hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
