Surah Al-Baqara Ayahs #61 Translated in Filipino
وَظَلَّلْنَا عَلَيْكُمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْكُمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۖ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
At pinapangyari Namin ang mga ulap na lambungan kayo ng lilim at ipinanaog (Namin) sa inyo ang Manna at mga pugo (at Kami ay nagwika): “Magsikain kayo ng mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” (Datapuwa’t sila ay nagsipaghimagsik), sila ay hindi nakapagbigay sa Amin ng kapariwaraan, subalit ipinariwara nila ang kanilang sarili
وَإِذْ قُلْنَا ادْخُلُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ فَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا حِطَّةٌ نَغْفِرْ لَكُمْ خَطَايَاكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ
At alalahanin nang Aming winika: “Magsipasok kayo sa bayang ito (Herusalem) at kayo ay kumain nang masagana at may kasiyahan sa inyong maibigan at tumuloy kayo sa tarangkahan na nagpapatirapa (at may kapakumbabaan) na nagsasabi: “Patawarin (Ninyo) kami”, at Aming ipatatawad ang inyong mga kasalanan at daragdagan (Namin) ang (pabuya) sa mga gumagawa ng katuwiran
فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَنْزَلْنَا عَلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Datapuwa’t ang mga buktot ay nagbigay ng kamalian sa salita na iginawad sa kanila upang (ipahayag) sa iba, kaya’t Aming ipinadala sa mga buktot ang isang salot mula sa langit dahilan sa kanilang paghihimagsik na tumalima kay Allah
وَإِذِ اسْتَسْقَىٰ مُوسَىٰ لِقَوْمِهِ فَقُلْنَا اضْرِبْ بِعَصَاكَ الْحَجَرَ ۖ فَانْفَجَرَتْ مِنْهُ اثْنَتَا عَشْرَةَ عَيْنًا ۖ قَدْ عَلِمَ كُلُّ أُنَاسٍ مَشْرَبَهُمْ ۖ كُلُوا وَاشْرَبُوا مِنْ رِزْقِ اللَّهِ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
At alalahanin nang si Moises ay manalangin (dahil sa pangangailangan) sa tubig ng kanyang pamayanan; Aming (Allah) winika: “Hampasin mo ang bato ng iyong tungkod.” At bumukal dito ang labingdalawang batis. Ang bawat pangkat ay nakakaalam ng kaniyang lugar ng tubig. Kaya’t magsikain at uminom kayo mula sa panustos na ikabubuhay na ipinagkaloob ni Allah, at huwag kayong gumawa ng katampalasanan sa kalupaan
وَإِذْ قُلْتُمْ يَا مُوسَىٰ لَنْ نَصْبِرَ عَلَىٰ طَعَامٍ وَاحِدٍ فَادْعُ لَنَا رَبَّكَ يُخْرِجْ لَنَا مِمَّا تُنْبِتُ الْأَرْضُ مِنْ بَقْلِهَا وَقِثَّائِهَا وَفُومِهَا وَعَدَسِهَا وَبَصَلِهَا ۖ قَالَ أَتَسْتَبْدِلُونَ الَّذِي هُوَ أَدْنَىٰ بِالَّذِي هُوَ خَيْرٌ ۚ اهْبِطُوا مِصْرًا فَإِنَّ لَكُمْ مَا سَأَلْتُمْ ۗ وَضُرِبَتْ عَلَيْهِمُ الذِّلَّةُ وَالْمَسْكَنَةُ وَبَاءُوا بِغَضَبٍ مِنَ اللَّهِ ۗ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَانُوا يَكْفُرُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ وَيَقْتُلُونَ النَّبِيِّينَ بِغَيْرِ الْحَقِّ ۗ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوْا وَكَانُوا يَعْتَدُونَ
At alalahanin nang inyong sabihin: “O Moises! Hindi namin kayang pagtiyagaan ang isang uri ng pagkain (lamang); kaya’t manawagan ka sa iyong Panginoon patungkol sa amin upang magpasibol ng maaaring tumubo sa lupa, (tulad ng) mga herba, pipino, bawang, lentil at sibuyas.” Siya (Moises) ay nagsabi: “Ipagpapalit ba ninyo ang mainam sa mababang (uri)? Magsihayo kayo sa anumang bayan at inyong masusumpungan ang inyong ninanais!” At sila ay nalambungan ng kahihiyan at kapighatian; hinatak nila sa kanilang sarili ang Poot ni Allah. Ito’y sa dahilang sila ay nagtatakwil sa Ayat (aral, kapahayagan, katibayan, tanda, atbp.) ni Allah at pumatay sa Kanyang mga Tagapagbalita ng walang katuwiran. Ito’y sa dahilang sila ay naghimagsik at nagpatuloy sa pagsuway
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
