Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #43 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t ang mga nagtatakwil ng Pananampalataya at nagpapasinungaling sa Aming Ayat (kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), sila ang magsisipanahan sa Apoy; maniniharan sila rito magpakailanman
يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اذْكُرُوا نِعْمَتِيَ الَّتِي أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَوْفُوا بِعَهْدِي أُوفِ بِعَهْدِكُمْ وَإِيَّايَ فَارْهَبُونِ
o Angkan ng Israel! Alalahanin ninyo ang Aking biyaya na ipinagkaloob Ko sa inyo at inyong tuparin (ang inyong tungkulin) sa Aking Kasunduan (sa inyo); tutuparin Ko rin ang Aking Kasunduan sa inyo at huwag kayong mangamba sa iba pa maliban sa Akin
وَآمِنُوا بِمَا أَنْزَلْتُ مُصَدِّقًا لِمَا مَعَكُمْ وَلَا تَكُونُوا أَوَّلَ كَافِرٍ بِهِ ۖ وَلَا تَشْتَرُوا بِآيَاتِي ثَمَنًا قَلِيلًا وَإِيَّايَ فَاتَّقُونِ
At manampalataya kayo sa Aking ipinahayag (ang Qur’an) na nagpapatotoo sa kapahayagan na nasa sa inyo (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at huwag kayong manguna sa mga hindi nananalig dito, gayundin ay huwag ninyong ipagbili ang Aking mga Tanda (Kapahayagan) sa isang maliit na halaga, at pangambahan ninyo Ako at Ako lamang
وَلَا تَلْبِسُوا الْحَقَّ بِالْبَاطِلِ وَتَكْتُمُوا الْحَقَّ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At huwag ninyong takpan ang Katotohanan ng kasinungalingan (alalaong baga, si Muhammad ay Tagapagbalita ni Allah at ang kanyang mga katangian ay nasusulat sa Kasulatan [ang Torah {mga Batas} at Ebanghelyo]), gayundin naman ay huwag ninyong ikubli ang Katotohanan kung ito ay inyong batid
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَارْكَعُوا مَعَ الرَّاكِعِينَ
At kayo ay mag-alay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah) at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at kayo ay magyukod ng inyong ulo na kasama ang mga yumuyukod (sa pagsamba)

Choose other languages: