Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #46 Translated in Filipino

وَلَا تَلْبِسُوا الْحَقَّ بِالْبَاطِلِ وَتَكْتُمُوا الْحَقَّ وَأَنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At huwag ninyong takpan ang Katotohanan ng kasinungalingan (alalaong baga, si Muhammad ay Tagapagbalita ni Allah at ang kanyang mga katangian ay nasusulat sa Kasulatan [ang Torah {mga Batas} at Ebanghelyo]), gayundin naman ay huwag ninyong ikubli ang Katotohanan kung ito ay inyong batid
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَارْكَعُوا مَعَ الرَّاكِعِينَ
At kayo ay mag-alay ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salah) at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at kayo ay magyukod ng inyong ulo na kasama ang mga yumuyukod (sa pagsamba)
أَتَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبِرِّ وَتَنْسَوْنَ أَنْفُسَكُمْ وَأَنْتُمْ تَتْلُونَ الْكِتَابَ ۚ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Ipinatutupad ba ninyo ang Al-Birr (kabanalan at katuwiran at bawat isa at lahat ng gawa ng pagsunod kay Allah) samgataogayongkayosainyongsariliaynakakalimot (na isagawa ito) bagama’t kayo ay dumadalit ng Kasulatan (ang Torah [mga Batas])? Hindi baga kayo nakakaunawa
وَاسْتَعِينُوا بِالصَّبْرِ وَالصَّلَاةِ ۚ وَإِنَّهَا لَكَبِيرَةٌ إِلَّا عَلَى الْخَاشِعِينَ
At inyong hanapin ang tulong (ni Allah) sa pagiging matimtiman at matiyaga at sa pagdarasal. Katiyakang ito ay mabigat at mahirap (sa iba) maliban sa Al-Khashi’un (alalaong baga, ang mga tunay na nananampalataya kay Allah, na sumusunod sa Kanya ng may ganap na pagtalima, na labis na nangangamba sa Kanyang kaparusahan, at nananalig sa Kanyang Pangako [ang Paraiso] at sa Kanyang Babala [ang Impiyerno]
الَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُمْ مُلَاقُو رَبِّهِمْ وَأَنَّهُمْ إِلَيْهِ رَاجِعُونَ
Na namamalagi sa kanilang isipan at may katiyakan na kanilang makakadaupang palad ang kanilang Panginoon at sila sa Kanya ay magbabalik

Choose other languages: