Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #28 Translated in Filipino

فَإِنْ لَمْ تَفْعَلُوا وَلَنْ تَفْعَلُوا فَاتَّقُوا النَّارَ الَّتِي وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ ۖ أُعِدَّتْ لِلْكَافِرِينَ
Datapuwa’t kung kayo ay hindi makagawa, at katotohanang hindi ninyo magagawa; inyong pangambahan ang Apoy na ang kanyang panggatong ay mga tao at bato na siyang inihanda sa mga nagtatakwil sa pananampalataya
وَبَشِّرِ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ كُلَّمَا رُزِقُوا مِنْهَا مِنْ ثَمَرَةٍ رِزْقًا ۙ قَالُوا هَٰذَا الَّذِي رُزِقْنَا مِنْ قَبْلُ ۖ وَأُتُوا بِهِ مُتَشَابِهًا ۖ وَلَهُمْ فِيهَا أَزْوَاجٌ مُطَهَّرَةٌ ۖ وَهُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t magsipagbigay kayo ng magandang balita sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, na ang kanilang bahagi ay Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso). Sa bawat sandali na sila ay pakakainin ng mga bungangkahoy nito, sila ay magsasabi: “Ito ang ipinagkaloob sa amin noong una”, at sila ay bibigyan ng mga bagay na nakakahalintulad (kawangis sa hubog datapuwa’t iba ang lasa), at sasakanila ang mga asawa na busilak (malaya sa dumi, ihi, regla, atbp.) at sila ay mananahan dito magpakailanman
إِنَّ اللَّهَ لَا يَسْتَحْيِي أَنْ يَضْرِبَ مَثَلًا مَا بَعُوضَةً فَمَا فَوْقَهَا ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا فَيَعْلَمُونَ أَنَّهُ الْحَقُّ مِنْ رَبِّهِمْ ۖ وَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَيَقُولُونَ مَاذَا أَرَادَ اللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًا ۘ يُضِلُّ بِهِ كَثِيرًا وَيَهْدِي بِهِ كَثِيرًا ۚ وَمَا يُضِلُّ بِهِ إِلَّا الْفَاسِقِينَ
Katotohanang si Allah ay hindi nakikimi na magbigay ng paghahalintulad kahima’t ito ay isang lamok o anumang malaki kaysa rito. Ang mga nagsisisampalataya ay nakakatalos na ito ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon. Datapuwa’t ang mga nagtatakwil sa pananampalataya ay nagsasabi: “Ano baga ang ibig ipakahulugan ni Allah sa ganitong paghahalintulad?” Sa pamamagitan nito ay pinapangyari Niya na maligaw ang marami at pinapangyari Niya na maakay ang marami sa tamang landas. At hinahayaan lamang Niya na maligaw ang mga lumilisan sa pagtalima kay Allah
الَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Ang mga sumisira sa Kasunduan kay Allah matapos na ito ay mapagtibay at hindi tumutupad sa mga ipinag-uutos na dapat gawin at nagsisigawa ng kabuktutan sa kalupaan, sila ang mga talunan
كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Paano mo baga itatakwil ang pananampalataya kay Allah? Napagmamalas ka noon na walang buhay at ikaw ay ginawaran Niya ng buhay, at ikaw ay hahayaan Niya na pumanaw at muli, ikaw ay bibigyan Niya ng buhay (sa Araw ng Muling Pagkabuhay); at ikaw sa Kanya ay magbabalik

Choose other languages: