Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #31 Translated in Filipino

الَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Ang mga sumisira sa Kasunduan kay Allah matapos na ito ay mapagtibay at hindi tumutupad sa mga ipinag-uutos na dapat gawin at nagsisigawa ng kabuktutan sa kalupaan, sila ang mga talunan
كَيْفَ تَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَكُنْتُمْ أَمْوَاتًا فَأَحْيَاكُمْ ۖ ثُمَّ يُمِيتُكُمْ ثُمَّ يُحْيِيكُمْ ثُمَّ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ
Paano mo baga itatakwil ang pananampalataya kay Allah? Napagmamalas ka noon na walang buhay at ikaw ay ginawaran Niya ng buhay, at ikaw ay hahayaan Niya na pumanaw at muli, ikaw ay bibigyan Niya ng buhay (sa Araw ng Muling Pagkabuhay); at ikaw sa Kanya ay magbabalik
هُوَ الَّذِي خَلَقَ لَكُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ثُمَّ اسْتَوَىٰ إِلَى السَّمَاءِ فَسَوَّاهُنَّ سَبْعَ سَمَاوَاتٍ ۚ وَهُوَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Siyaanglumikhaparasainyonglahatngmgabagaynanasa kalupaan; at makaraan, Siya ay nag-Istawa (pumaibabaw) sa kalangitan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan) at yaon ay Kanyang ginawa na pitong suson. At sa lahat ng bagay, Siya ay may Ganap na Kaalaman
وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي جَاعِلٌ فِي الْأَرْضِ خَلِيفَةً ۖ قَالُوا أَتَجْعَلُ فِيهَا مَنْ يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ الدِّمَاءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ ۖ قَالَ إِنِّي أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Pagmasdan! Ang inyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay (ng sangkatauhan) sa kalupaan sa maraming sali’t saling lahi.” Sila ay nagsabi: “Maglalagay ba Kayo roon ng (mga tao) na magsisigawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo, habang kami ay lumuluwalhati ng mga pagpupuri at pagpaparangal sa Inyong Banal (na Pangalan)?” Siya (Allah) ay nagwika: “Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.”
وَعَلَّمَ آدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَٰؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At itinuro Niya kayAdan ang pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng kawastuan.”

Choose other languages: