Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #34 Translated in Filipino

وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي جَاعِلٌ فِي الْأَرْضِ خَلِيفَةً ۖ قَالُوا أَتَجْعَلُ فِيهَا مَنْ يُفْسِدُ فِيهَا وَيَسْفِكُ الدِّمَاءَ وَنَحْنُ نُسَبِّحُ بِحَمْدِكَ وَنُقَدِّسُ لَكَ ۖ قَالَ إِنِّي أَعْلَمُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
Pagmasdan! Ang inyong Panginoon ay nagwika sa mga anghel: “Katotohanan, Ako ay maglalagay (ng sangkatauhan) sa kalupaan sa maraming sali’t saling lahi.” Sila ay nagsabi: “Maglalagay ba Kayo roon ng (mga tao) na magsisigawa ng kabuktutan at doon ay magdadanak ng dugo, habang kami ay lumuluwalhati ng mga pagpupuri at pagpaparangal sa Inyong Banal (na Pangalan)?” Siya (Allah) ay nagwika: “Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.”
وَعَلَّمَ آدَمَ الْأَسْمَاءَ كُلَّهَا ثُمَّ عَرَضَهُمْ عَلَى الْمَلَائِكَةِ فَقَالَ أَنْبِئُونِي بِأَسْمَاءِ هَٰؤُلَاءِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At itinuro Niya kayAdan ang pangalan ng lahat ng bagay at itinambad Niya ang mga ito sa harapan ng mga anghel at nagsabi: “Sabihin ninyo sa Akin ang pangalan ng mga ito kung kayo ay nagsasabi ng kawastuan.”
قَالُوا سُبْحَانَكَ لَا عِلْمَ لَنَا إِلَّا مَا عَلَّمْتَنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ
Sila (anghel) ay nagsabi: “Luwalhatiin Kayo! Kami ay walang karunungan maliban sa itinuro Ninyo sa amin; sa katotohanan Kayo lamang ang may Ganap na Kaalaman at Karunungan.”
قَالَ يَا آدَمُ أَنْبِئْهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ ۖ فَلَمَّا أَنْبَأَهُمْ بِأَسْمَائِهِمْ قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ إِنِّي أَعْلَمُ غَيْبَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَأَعْلَمُ مَا تُبْدُونَ وَمَا كُنْتُمْ تَكْتُمُونَ
Siya (Allah) ay nagwika: “o Adan! Sabihin mo sa kanila ang kanilang pangalan.” At nang masabi na niya ang kanilang mga pangalan, si Allah ay nagwika: “Hindi baga Aking winika sa inyo na nababatid Ko ang mga lihim ng langit at lupa at talastas Ko kung ano ang inyong inilalantad at ikinukubli?”
وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ أَبَىٰ وَاسْتَكْبَرَ وَكَانَ مِنَ الْكَافِرِينَ
At pagmasdan! Aming ipinangusap sa mga anghel: “Yumukod kayo kay Adan.” At sila ay yumukod maliban kay Iblis (isang Jinn na nasa lipon ng mga anghel nang sandaling yaon); siya ay tumanggi at siya ay palalo. Siya ay isa sa mga nagtatakwil sa pananampalataya

Choose other languages: