Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #164 Translated in Filipino

إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا وَأَصْلَحُوا وَبَيَّنُوا فَأُولَٰئِكَ أَتُوبُ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنَا التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
Maliban sa mga nagsisisi at nagsisigawa ng kabutihan at lantad na nagpapahayag (ng katotohanan). Sa kanila, Ako ay tatanggap ng kanilang pagtitika. Sapagkat Ako ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagtitika, ang Pinakamaawain
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَمَاتُوا وَهُمْ كُفَّارٌ أُولَٰئِكَ عَلَيْهِمْ لَعْنَةُ اللَّهِ وَالْمَلَائِكَةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya at namatay habang sila ay walang pananampalataya, sasakanila ang sumpa ni Allah, gayundin ang sumpa ng mga anghel at ng sangkatauhan (nang sama-sama)
خَالِدِينَ فِيهَا ۖ لَا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ الْعَذَابُ وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ
Magsisipanatili sila rito (sa ilalim ng sumpa ng Impiyerno); ang kanilang kaparusahan ay hindi pagagaanin, gayundin naman (sila ay hindi bibigyan) ng palugit
وَإِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ الرَّحْمَٰنُ الرَّحِيمُ
At ang inyong Ilah (diyos) ay Isang Ilah (diyos). La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat- dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Pinakamapagbigay, ang Pinakamaawain
إِنَّ فِي خَلْقِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَاخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَالْفُلْكِ الَّتِي تَجْرِي فِي الْبَحْرِ بِمَا يَنْفَعُ النَّاسَ وَمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ مَاءٍ فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَبَثَّ فِيهَا مِنْ كُلِّ دَابَّةٍ وَتَصْرِيفِ الرِّيَاحِ وَالسَّحَابِ الْمُسَخَّرِ بَيْنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
Pagmalasin! Katotohanan, sa pagkakalikha sa mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalitan ng gabi at araw, at sa mga barko na naglalayag sa karagatan na rito ay may kapakinabangan sa sangkatauhan, at sa ulan na pinamamalisbis ni Allah mula sa alapaap at nakapangyayaring ang kalupaan ay mabuhay mula sa pagiging patay (tigang), at ang lahat ng uri ng mga buhay (at gumagalaw) na nilikha, na rito ay Kanyang ikinalat, at sa pagbabago ng (direksyon ng) hangin at sa mga ulap na nakalutang sa pagitan ng lupa at langit, ay katiyakang Ayat (mga tanda, katibayan, katunayan, atbp.) sa mga tao na may pang-unawa

Choose other languages: