Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #155 Translated in Filipino

كَمَا أَرْسَلْنَا فِيكُمْ رَسُولًا مِنْكُمْ يَتْلُو عَلَيْكُمْ آيَاتِنَا وَيُزَكِّيكُمْ وَيُعَلِّمُكُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُعَلِّمُكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ
Gayundin naman (upang maging ganap ang Aking paglingap sa inyo), ay Aming isinugo sa inyo ang isang Tagapagbalita (Muhammad) na mula sa inyong lipon na nagpapahayag sa inyo ng Aming Kapahayagan (mga talata ng Qur’an) at nagpapabanal sa inyo at nagtuturo sa inyo ng Aklat (Qur’an) at ng Hikma (Karunungan, Batas Islamiko, Kahatulan at Pagpapasya, Sunna [mga gawa ng Propeta], atbp.) at nagtuturo sa inyo ng mga hindi ninyo nalalaman (na mga bagong karunungan)
فَاذْكُرُونِي أَذْكُرْكُمْ وَاشْكُرُوا لِي وَلَا تَكْفُرُونِ
Samakatuwid, inyong alalahanin Ako (sa pagdarasal at pagluwalhati). Aalalahanin Ko (rin) kayo. Magkaroon kayo ng damdamin ng pasasalamat sa Akin (sa hindi mabilang na biyaya na ipinagkaloob Ko sa inyo), at huwag magtakwil sa pananampalataya
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اسْتَعِينُوا بِالصَّبْرِ وَالصَّلَاةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ مَعَ الصَّابِرِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Magsihanap kayo ng tulong sa pagtitiyaga at pananalangin. Katotohanan, si Allah ay nasa (gitna) ng mga matimtiman
وَلَا تَقُولُوا لِمَنْ يُقْتَلُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ أَمْوَاتٌ ۚ بَلْ أَحْيَاءٌ وَلَٰكِنْ لَا تَشْعُرُونَ
At huwag ninyong sabihin sa mga namatay sa Kapakanan ni Allah (Pagtatanggol sa Pananampalataya, katulad ng Jihad [pagsisikap na mapanatili ang Islam maging ito man ay humantong sa pakikidigma]) na “Sila ay patay.” Hindi, sila ay buhay datapuwa’t hindi ninyo (ito) napag-aakala
وَلَنَبْلُوَنَّكُمْ بِشَيْءٍ مِنَ الْخَوْفِ وَالْجُوعِ وَنَقْصٍ مِنَ الْأَمْوَالِ وَالْأَنْفُسِ وَالثَّمَرَاتِ ۗ وَبَشِّرِ الصَّابِرِينَ
At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, ang ilan ay pagkalugi sa hanapbuhay, pagkawala ng buhay at bunga (ng inyong pinaghirapan), datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata

Choose other languages: