Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #134 Translated in Filipino

وَمَنْ يَرْغَبُ عَنْ مِلَّةِ إِبْرَاهِيمَ إِلَّا مَنْ سَفِهَ نَفْسَهُ ۚ وَلَقَدِ اصْطَفَيْنَاهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ
At sino pa kaya ang tumatalikdan sa pananampalataya ni Abraham maliban sa kanya na lumilinlang sa kanyang sarili? Katotohanang siya ay hinirang Namin sa mundong ito at katiyakang sa Kabilang Buhay, siya ay mapapabilang sa mga matutuwid
إِذْ قَالَ لَهُ رَبُّهُ أَسْلِمْ ۖ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
Pagmasdan! Ang kanyang Panginoon ay nagwika sa kanya: “Isuko mo (ang iyong kalooban sa Akin, maging isang Muslim).” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Isinuko ko (ang aking kalooban, bilang isang Muslim) sa Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang.”
وَوَصَّىٰ بِهَا إِبْرَاهِيمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَا بَنِيَّ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَىٰ لَكُمُ الدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ
At ang (pagtalima at pagsunod na ito kay Allah, ang Islam) ay ipinatupad ni Abraham sa kanyang mga anak na lalaki, (at gayundin ang ginawa) ni Hakob (na nagsasabi): “o aking mga anak (na lalaki)! Si Allah ang humirang para sa inyo ng (tunay) na pananampalataya; kaya’t huwag ninyong hayaan na kayo ay pumanaw maliban sa katatayuan ng pagtalima (sa Islam, bilang mga Muslim)
أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ آبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَٰهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ
Kayo ba ay mga saksi nang ang kamatayan ay tumambad kay Hakob? Pagmasdan, nang kanyang sinabi sa kanyang mga anak (na lalaki): “Ano ang inyong sasambahin kapag ako ay wala na?” Sila ay nagsabi: “Aming sasambahin ang inyong diyos at ang diyos ng inyong mga ninuno, nila Abraham, Ismail at Isaac. Sa Isang (Tunay) na Diyos, sa Kanya (lamang) kami tatalima.”
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُمْ مَا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْأَلُونَ عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila ang mga tao (pamayanan) na nagsipanaw na. Kanilang tatamasahin ang bunga ng kanilang ginawa, at kayo, ng inyong ginawa! At ikaw ay hindi tatanungin tungkol sa kanilang ginawa

Choose other languages: