Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #137 Translated in Filipino

أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ آبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَٰهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ
Kayo ba ay mga saksi nang ang kamatayan ay tumambad kay Hakob? Pagmasdan, nang kanyang sinabi sa kanyang mga anak (na lalaki): “Ano ang inyong sasambahin kapag ako ay wala na?” Sila ay nagsabi: “Aming sasambahin ang inyong diyos at ang diyos ng inyong mga ninuno, nila Abraham, Ismail at Isaac. Sa Isang (Tunay) na Diyos, sa Kanya (lamang) kami tatalima.”
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُمْ مَا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْأَلُونَ عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila ang mga tao (pamayanan) na nagsipanaw na. Kanilang tatamasahin ang bunga ng kanilang ginawa, at kayo, ng inyong ginawa! At ikaw ay hindi tatanungin tungkol sa kanilang ginawa
وَقَالُوا كُونُوا هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ تَهْتَدُوا ۗ قُلْ بَلْ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
At sila ay nagsasabi: “Maging kayo man ay mga Hudyo o Kristiyano, magkagayunman, kayo ay mapapatnubayan.” Ipagbadya (sa kanila, O Muhammad): “Hindi, sinusunod lamang namin ang pananampalataya ni Abraham, ang Hanifan (Kaisahan ni Allah sa Islam, alalaong baga, ang maging matimtiman at sumamba lamang kay Allah), at siya kailanman ay hindi nagtatambal ng anumang diyos kay Allah.”
قُولُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ
Ipagbadya (O mga Muslim): “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa kapahayagan na ipinagkaloob sa amin, at (sa mga ipinahayag) kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labingdalawang) Tribo, at sa mga ipinahayag kay Moises at Hesus at sa mga ipinahayag sa (lahat) ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagtatakda sa kanila ng pagtatangi-tangi at kay Allah lamang kami ay tumatalima.”
فَإِنْ آمَنُوا بِمِثْلِ مَا آمَنْتُمْ بِهِ فَقَدِ اهْتَدَوْا ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا هُمْ فِي شِقَاقٍ ۖ فَسَيَكْفِيكَهُمُ اللَّهُ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
Kaya’t kung sila ay mananampalataya na katulad ng inyong pananampalataya, katiyakang sila ay nasa tamang landas; datapuwa’t kung sila ay tumalikod, sila ang mga tumututol. (Kung gayon) Sapat na si Allah sa inyo laban sa kanila. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Tigib ng Kaalaman

Choose other languages: