Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #118 Translated in Filipino

وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ مَنَعَ مَسَاجِدَ اللَّهِ أَنْ يُذْكَرَ فِيهَا اسْمُهُ وَسَعَىٰ فِي خَرَابِهَا ۚ أُولَٰئِكَ مَا كَانَ لَهُمْ أَنْ يَدْخُلُوهَا إِلَّا خَائِفِينَ ۚ لَهُمْ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
At sino pa kaya ang higit na di makatarungan maliban sa kanya na nagbabawal na ang mga Pangalan ni Allah ay luwalhatiin at banggitin sa mga lugar ng pagsamba (moske) at nagsusumikap sa kanilang kapinsalaan? Hindi isang katampatan na sila ay pumasok (sa Tahanan ni Allah) maliban na may pangangamba. Sa kanila ay walang anupaman, maliban sa kahihiyan sa mundong ito, at sa Kabilang Buhay ay nag-uumapaw na kaparusahan
وَلِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ فَأَيْنَمَا تُوَلُّوا فَثَمَّ وَجْهُ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
Si Allah ang nag-aangkin ng Silangan at Kanluran at kahit saan mang dako na ibaling mo ang iyong sarili ay nandoroon ang Mukha ni Allah (Siya ang Pinakamataas sa Kanyang Luklukan). Katotohanang si Allah ay Puspos ng Panustos sa pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam
وَقَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۖ بَلْ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَهُ قَانِتُونَ
At sila (mga Hudyo, Kristiyano at Pagano) ay nagsasabi: “Si Allah ay nagkaroon ng anak (na lalaki).” Luwalhatiin Siya! Hindi! Siya ang nag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan, at ang lahat ay nag-uukol ng pagsamba sa Kanya
بَدِيعُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَإِذَا قَضَىٰ أَمْرًا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ
Ang Pinagmulan (Lumikha) ng mga kalangitan at kalupaan; kung Siya ay magtakda (magnais) ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng: “Mangyari nga!” at ito ay magaganap
وَقَالَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ لَوْلَا يُكَلِّمُنَا اللَّهُ أَوْ تَأْتِينَا آيَةٌ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۘ تَشَابَهَتْ قُلُوبُهُمْ ۗ قَدْ بَيَّنَّا الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
At ang mga walang kaalaman ay nagsasabi: “Bakit kaya si Allah ay hindi makipag-usap sa atin (nang harapan)? o bakit kaya ang isang Tanda (pangitain) ay hindi dumaratal sa atin?” Ito ang sinasabi ng mga tao na una pa sa kanila, sa gayon ding salita. Ang kanilang puso ay magkatulad. Katotohanan, Aming ginawang maliwanag ang mga Tanda sa mga tao na matatag na nananangan sa kanilang Pananampalataya (sa kanilang puso)

Choose other languages: