Surah Al-Baqara Ayahs #111 Translated in Filipino
أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Hindi baga ninyo nababatid na si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan? At maliban sa Kanya, kayo ay walang anumang tagapangalaga o kawaksi
أَمْ تُرِيدُونَ أَنْ تَسْأَلُوا رَسُولَكُمْ كَمَا سُئِلَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۗ وَمَنْ يَتَبَدَّلِ الْكُفْرَ بِالْإِيمَانِ فَقَدْ ضَلَّ سَوَاءَ السَّبِيلِ
o nais ba ninyong tanungin ang inyong Tagapagbalita (Muhammad) na katulad din nang si Moises ay tanungin noon (alalaong baga, ipakita mo sa amin ang iyong Panginoon)? Datapuwa’t sinumang magpalit ng Pananampalataya sa (halip) ng kawalan ng Pananampalataya ay katotohanang napaligaw sa tuwid na landas
وَدَّ كَثِيرٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يَرُدُّونَكُمْ مِنْ بَعْدِ إِيمَانِكُمْ كُفَّارًا حَسَدًا مِنْ عِنْدِ أَنْفُسِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْحَقُّ ۖ فَاعْفُوا وَاصْفَحُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Marami sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang nagnanais na muli kayong mawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya, dahilan sa pagkainggit mula sa kanilang sarili, matapos na ang katotohanan (na si Muhammad ay sugo ni Allah) ay maging malinaw sa kanila. Datapuwa’t magpatawad at pabayaan (sila), hanggang sa ibigay ni Allah ang Kanyang Pag-uutos, sapagkat si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ مِنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِنْدَ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
At maging matimtiman sa pagdalangin (Iqamat-as-Salah) at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at anumang kabutihan ang ipinarating ninyo sa inyong sarili noon (at ngayon), ito ay matatagpuan ninyo kay Allah, sapagkat si Allah ang nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
وَقَالُوا لَنْ يَدْخُلَ الْجَنَّةَ إِلَّا مَنْ كَانَ هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At sila ay nagsasabi: “walang sinuman ang makakapasok sa Paraiso maliban na siya ay Hudyo o Kristiyano.” Ito ay kanilang (sinasapantahang) pagnanais (pag-aakala) lamang. Ipagbadya (sa kanila, o Muhammad): “Ipakita ninyo ang inyong katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
