Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #113 Translated in Filipino

وَدَّ كَثِيرٌ مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَوْ يَرُدُّونَكُمْ مِنْ بَعْدِ إِيمَانِكُمْ كُفَّارًا حَسَدًا مِنْ عِنْدِ أَنْفُسِهِمْ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ الْحَقُّ ۖ فَاعْفُوا وَاصْفَحُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Marami sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ang nagnanais na muli kayong mawalan ng pananalig matapos na kayo ay manampalataya, dahilan sa pagkainggit mula sa kanilang sarili, matapos na ang katotohanan (na si Muhammad ay sugo ni Allah) ay maging malinaw sa kanila. Datapuwa’t magpatawad at pabayaan (sila), hanggang sa ibigay ni Allah ang Kanyang Pag-uutos, sapagkat si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ مِنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِنْدَ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
At maging matimtiman sa pagdalangin (Iqamat-as-Salah) at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at anumang kabutihan ang ipinarating ninyo sa inyong sarili noon (at ngayon), ito ay matatagpuan ninyo kay Allah, sapagkat si Allah ang nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
وَقَالُوا لَنْ يَدْخُلَ الْجَنَّةَ إِلَّا مَنْ كَانَ هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ تِلْكَ أَمَانِيُّهُمْ ۗ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At sila ay nagsasabi: “walang sinuman ang makakapasok sa Paraiso maliban na siya ay Hudyo o Kristiyano.” Ito ay kanilang (sinasapantahang) pagnanais (pag-aakala) lamang. Ipagbadya (sa kanila, o Muhammad): “Ipakita ninyo ang inyong katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
بَلَىٰ مَنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَلَهُ أَجْرُهُ عِنْدَ رَبِّهِ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Tunay nga! Sinumang magsuko nang ganap ng kanyang sarili kay Allah at mapaggawa ng kabutihan, ay matatanggap niya ang gantimpala mula sa kanyang Panginoon. Sa kanila ay walang pangangamba, gayundin, sila ay walang kalumbayan
وَقَالَتِ الْيَهُودُ لَيْسَتِ النَّصَارَىٰ عَلَىٰ شَيْءٍ وَقَالَتِ النَّصَارَىٰ لَيْسَتِ الْيَهُودُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُمْ يَتْلُونَ الْكِتَابَ ۗ كَذَٰلِكَ قَالَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ مِثْلَ قَوْلِهِمْ ۚ فَاللَّهُ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Ang mga Hudyo ay nagsasabi: “Ang mga Kristiyano ay walang pinanghahawakan (sila ay nasa maling pananampalataya)” at ang mga Kristiyano ay nagsasabi: “Ang mga Hudyo ay walang pinaghahawakan (nasa maling pananampalataya).” Datapuwa’t sila (ay kapwa) nagpapamarali na kanilang pinag-aaralan (o dinadalit) ang (magkatulad) na Kasulatan. Ang kanilang salita ay katulad ng mga pagano na walang kaalaman. Datapuwa’t si Allah ang hahatol sa kanilang pinag-aawayan sa Araw ng Paghuhukom

Choose other languages: