Surah Al-Araf Ayahs #98 Translated in Filipino
وَمَا أَرْسَلْنَا فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَبِيٍّ إِلَّا أَخَذْنَا أَهْلَهَا بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَضَّرَّعُونَ
At hindi Kami nagsugo ng propeta (na kanilang itinakwil) sa alinmang bayan, na hindi Namin sinakmal ang mga tao rito ng pasakit ng matinding kahirapan (o pagkawala ng kayamanan), at pagkawala ng kalusugan at mga kalamidad, upang sila ay maging aba sa kanilang sarili (at magtika kay Allah)
ثُمَّ بَدَّلْنَا مَكَانَ السَّيِّئَةِ الْحَسَنَةَ حَتَّىٰ عَفَوْا وَقَالُوا قَدْ مَسَّ آبَاءَنَا الضَّرَّاءُ وَالسَّرَّاءُ فَأَخَذْنَاهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
At Aming pinalitan ang kasamaan sa kabutihan, hanggang sa sila ay dumami sa bilang at sa kayamanan, at nangusap: “Ang aming mga ninuno ay dinapuan ng kasamaan (pagkawala ng kalusugan at mga kalamidad) at ng mabuting (kasaganaan, atbp.).” Kaya’t Aming sinakmal sila nang walang abog-abog habang sila ay walang kaalaman
وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْقُرَىٰ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَفَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَرَكَاتٍ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ وَلَٰكِنْ كَذَّبُوا فَأَخَذْنَاهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
At kung ang pamayanan ng mga bayan ay nanampalataya at nagkaroon ng Taqwa (kabanalan at kataimtiman), katiyakang Amin (sanang) ibubukas sa kanila ang mga biyaya mula sa kalangitan at kalupaan, datapuwa’t sila ay nagpasinungaling (sa mga Tagapagbalita). Kaya’t Aming sinakmal sila (ng kaparusahan) dahilan sa kanilang kinita (alalaong baga, ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan at mga krimen na kanilang ginawa, atbp)
أَفَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا بَيَاتًا وَهُمْ نَائِمُونَ
Sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan sa gabi habang sila ay natutulog
أَوَأَمِنَ أَهْلُ الْقُرَىٰ أَنْ يَأْتِيَهُمْ بَأْسُنَا ضُحًى وَهُمْ يَلْعَبُونَ
o sila bagang pamayanan ng mga bayan ay nakadarama ng kaligtasan laban sa pagdatal ng Aming kaparusahan bago magtanghali habang sila ay naglalaro
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
